Katuwang ang Pamahalaang Lungsod ng Calapan sa ilalim ng pamumuno ni 𝗖𝗶𝘁𝘆 𝗠𝗮𝘆𝗼𝗿 𝗠𝗮𝗿𝗶𝗹𝗼𝘂 𝗙𝗹𝗼𝗿𝗲𝘀-𝗠𝗼𝗿𝗶𝗹𝗹𝗼, naghatid ng tulong ang mga kawani na mula sa 𝗢𝗳𝗳𝗶𝗰𝗲 𝗼𝗳 𝘁𝗵𝗲 𝗩𝗶𝗰𝗲 𝗣𝗿𝗲𝘀𝗶𝗱𝗲𝗻𝘁 Inday Sara Duterte sa 10 na Barangay, bilang bahagi ng “𝑶𝑽𝑷 𝑹𝒆𝒍𝒊𝒆𝒇 𝑶𝒑𝒆𝒓𝒂𝒕𝒊𝒐𝒏𝒔 𝑹𝒊𝒄𝒆 𝑫𝒊𝒔𝒕𝒓𝒊𝒃𝒖𝒕𝒊𝒐𝒏” para sa mga mamamayan na ang ikinabubuhay ay ang pangingisda na apektado ng kasalukuyang problema sa oil spill, isinagawa sa Lungsod ng Calapan, araw ng Huwebes, ika-27 ng Abril.
Kaugnay nito, nakatanggap ng isang sako ng bigas na may timbang na 50 kg na mula sa OVP ang nasa kabuuang 𝟭,𝟳𝟰𝟴 na benepisyaryo na mula sa 10 na Barangay sa Calapan: 𝗡𝗮𝗴-𝗶𝗯𝗮 𝗜-𝟭𝟯𝟬, 𝗡𝗮𝗴-𝗶𝗯𝗮 𝗜𝗜-𝟴𝟮, 𝗡𝗮𝘃𝗼𝘁𝗮𝘀-𝟮𝟴𝟴, 𝗚𝘂𝘁𝗮𝗱-𝟯𝟬, 𝗠𝗮𝗶𝗱𝗹𝗮𝗻𝗴-𝟯𝟮𝟬, 𝗦𝗶𝗹𝗼𝗻𝗮𝘆-𝟮𝟬𝟱, 𝗦𝘂𝗾𝘂𝗶-𝟭𝟰𝟲, 𝗣𝗮𝗿𝗮𝗻𝗴-𝟭𝟭𝟳, 𝗖𝗮𝗹𝗲𝗿𝗼-𝟭𝟭, at 𝗟𝗮𝘇𝗮𝗿𝗲𝘁𝗼-𝟰𝟭𝟵.
Kaagapay sa gawaing ito ang 𝗢𝗳𝗳𝗶𝗰𝗲 𝗼𝗳 𝘁𝗵𝗲 𝗖𝗶𝘁𝘆 𝗠𝗮𝘆𝗼𝗿, katuwang ang 𝗦𝗲𝗿𝗯𝗶𝘀𝘆𝗼𝗻𝗴 𝗧𝗔𝗠𝗔 𝗖𝗲𝗻𝘁𝗲𝗿, 𝗖𝗶𝘁𝘆 𝗦𝗼𝗰𝗶𝗮𝗹 𝗪𝗲𝗹𝗳𝗮𝗿𝗲 𝗮𝗻𝗱 𝗗𝗲𝘃𝗲𝗹𝗼𝗽𝗺𝗲𝗻𝘁 𝗗𝗲𝗽𝗮𝗿𝘁𝗺𝗲𝗻𝘁, 𝗖𝗼𝗺𝗺𝘂𝗻𝗶𝘁𝘆 𝗔𝗳𝗳𝗮𝗶𝗿𝘀 𝗢𝗳𝗳𝗶𝗰𝗲, 𝗖𝗶𝘁𝘆 𝗗𝗶𝘀𝗮𝘀𝘁𝗲𝗿 𝗥𝗶𝘀𝗸 𝗥𝗲𝗱𝘂𝗰𝘁𝗶𝗼𝗻 𝗮𝗻𝗱 𝗠𝗮𝗻𝗮𝗴𝗲𝗺𝗲𝗻𝘁, at iba pa.
Samantala, nakiisa rin dito sina 𝗖𝗶𝘁𝘆 𝗣𝘂𝗯𝗹𝗶𝗰 𝗦𝗮𝗳𝗲𝘁𝘆 𝗢𝗳𝗳𝗶𝗰𝗲𝗿, 𝗠𝗿. 𝗔𝗹𝗹𝗮𝗻 𝗤. 𝗨𝗺𝗮𝗹𝗶, 𝗦𝗲𝗿𝗯𝗶𝘀𝘆𝗼𝗻𝗴 𝗧𝗮𝗠𝗮 𝗣𝗿𝗼𝗴𝗿𝗮𝗺 𝗔𝗱𝗺𝗶𝗻𝗶𝘀𝘁𝗿𝗮𝘁𝗼𝗿 𝗠𝗿. 𝗣𝗲𝘁𝗲𝗿 𝗝𝗼𝘀𝗲𝗽𝗵 𝗩. 𝗗𝘆𝘁𝗶𝗼𝗰𝗼, at 𝗖𝗦𝗪𝗗 𝗢𝗳𝗳𝗶𝗰𝗲𝗿 𝗠𝘀. 𝗝𝘂𝘃𝘆 𝗟. 𝗕𝗮𝗵𝗶𝗮, 𝗥𝗦𝗪, kung saan ay narito rin ang mga Konsehal ng Lungsod na sina 𝗛𝗼𝗻. 𝗥𝗮𝗳𝗮𝗲𝗹 𝗘. 𝗣𝗮𝗻𝗮𝗹𝗶𝗴𝗮𝗻, 𝗛𝗼𝗻. 𝗥𝗶𝗰𝗸𝗮 𝗠𝗮𝗿𝗶𝗲 𝗣. 𝗚𝗼𝗰𝗼, at 𝗛𝗼𝗻. 𝗚𝗲𝗻𝗶𝗲 𝗥. 𝗙𝗼𝗿𝘁𝘂.
Para sa mga fisherfolk na nakatanggap ng pansuportang ayuda, lubos silang nagpapasalamat kay 𝗩𝗶𝗰𝗲 𝗣𝗿𝗲𝘀𝗶𝗱𝗲𝗻𝘁 𝗦𝗮𝗿𝗮 𝗗𝘂𝘁𝗲𝗿𝘁𝗲, gayundin sa butihing Ina ng Lungsod na si Mayor Morillo, at sa mga kawani ng Pamahalaang Lungsod na patuloy na tumutulong sa kanila.











