No registration, No travel policy

Agresibo nang ipatutupad ng Land Transportation Office sa mga susunod na araw ang NO

𝗥𝗘𝗚𝗜𝗦𝗧𝗥𝗔𝗧𝗜𝗢𝗡, 𝗡𝗢 𝗧𝗥𝗔𝗩𝗘𝗟 𝗣𝗢𝗟𝗜𝗖𝗬 sa buong lalawigan.

Kaya naman panawagan ng Ina ng Lungsod Mayor Malou Flores-Morillo sa lahat ng delinquent vehicle owners na agarang iparehistro ang inyong mga sasakyan. Ito ay para na rin sa kaligtasan ng bawat motorista at ng maraming taumbayan na araw-araw laman ng lansangan.

Paniniwala ni Mayor Malou at ng LTO — ang pagpaparehistro at pagre-renew ng registration ay ang pinaka mabisang paraan upang suriin ang road worthiness ng mga sasakyan. Sa pamamagitan nito, makaiiwas ang sinumang motorista sa aksidente at aberyang pang-lansangan.

Pinaaalalahanan ang lahat ng motorista na sumunod sa mahigpit na implementasyon ng nasabing polisiya para na rin sa kaligtasan ng lahat.