Komprehensibong tinalakay ng 𝗡𝗮𝘁𝗶𝗼𝗻𝗮𝗹 𝗚𝗿𝗶𝗱 𝗖𝗼𝗿𝗽𝗼𝗿𝗮𝘁𝗶𝗼𝗻 𝗼𝗳 𝘁𝗵𝗲 𝗣𝗵𝗶𝗹𝗶𝗽𝗽𝗶𝗻𝗲𝘀 sa pangunguna ni 𝗠𝘀. 𝗙𝗲𝗹𝗶𝗰𝗶𝗱𝗮𝗱 𝗙𝗿𝗮𝗻𝗰𝗶𝘀𝗰𝗼 — 𝗣𝘂𝗯𝗹𝗶𝗰 𝗥𝗲𝗹𝗮𝘁𝗶𝗼𝗻𝘀 𝗦𝘂𝗽𝗲𝗿𝘃𝗶𝘀𝗼𝗿, at 𝗠𝗿. 𝗘𝗹𝗯𝗲𝗿𝘁 𝗘𝗻𝗰𝗮𝗿𝗻𝗮𝗰𝗶𝗼𝗻 — 𝗣𝗿𝗼𝗷𝗲𝗰𝘁 𝗖𝗼𝗻𝘀𝘁𝗿𝘂𝗰𝘁𝗶𝗼𝗻 𝗠𝗮𝗻𝗮𝗴𝗲𝗿 ang kanilang inihahandang 𝗕𝗮𝘁𝗮𝗻𝗴𝗮𝘀-𝗠𝗶𝗻𝗱𝗼𝗿𝗼 𝗜𝗻𝘁𝗲𝗿𝗰𝗼𝗻𝗻𝗲𝗰𝘁𝗶𝗼𝗻 𝗣𝗿𝗼𝗷𝗲𝗰𝘁 sa Pamahalaang Lungsod na pinamumunuan ni 𝗖𝗶𝘁𝘆 𝗠𝗮𝘆𝗼𝗿 𝗠𝗮𝗿𝗶𝗹𝗼𝘂 𝗙𝗹𝗼𝗿𝗲𝘀-𝗠𝗼𝗿𝗶𝗹𝗹𝗼 nitong ika-4 ng Oktubre.
Isa sa problema sa isla ng Mindoro ay ang kakulangan ng suplay ng kuryente na nagdudulot naman sa pagdalas ng power interruption; dagdag na dito ang mataas na subsidized generation rates. Kaya naman, upang tugunan ang mga isyung ito isinulong ng NGCP ang nasabing proyekto.
Sa pamamagitan ng interconnection project, mabibigyan ang Mindoro ng access sa power supply ng 𝑴𝒂𝒊𝒏 𝑳𝒖𝒛𝒐𝒏 𝑮𝒓𝒊𝒅, hindi na aasa pa sa mga diesel plants, at maisusulong ang pagkakaroon ng 𝑹𝒆𝒏𝒆𝒘𝒂𝒃𝒍𝒆 𝑬𝒏𝒆𝒓𝒈𝒚 𝑷𝒍𝒂𝒏𝒕𝒔.
Upang maging posible ang proyekto, hiningi ng NGCP ang suporta ng Pamahalaang Lungsod dahil bilang gateway ng isla, isa ang Calapan sa pagtatayuan ng mga tower sites.
Buo naman ang suporta nina Mayor Morillo, kasama naman sina 𝗖𝗶𝘁𝘆 𝗖𝗼𝘂𝗻𝗰𝗶𝗹𝗼𝗿 Atty. Jel Magsuci, at ibang Department Heads sa pangunguna ni 𝗖𝗶𝘁𝘆 𝗔𝗱𝗺𝗶𝗻𝗶𝘀𝘁𝗿𝗮𝘁𝗼𝗿 𝗔𝘁𝘁𝘆. 𝗥𝗲𝘆𝗺𝘂𝗻𝗱 𝗔𝗹 𝗨𝘀𝘀𝗮𝗺, para sa proyekto at ang kahilingan lamang nila ay kausapin din ng NGCP ang mga barangay na tinatarget nilang tayuan ng tower sites.