Isang karangalan para kay 𝗖𝗶𝘁𝘆 𝗠𝗮𝘆𝗼𝗿 𝗠𝗮𝗹𝗼𝘂 𝗙𝗹𝗼𝗿𝗲𝘀-𝗠𝗼𝗿𝗶𝗹𝗹𝗼 na maibitahan upang maging Inducting Officer sa Oath taking Ceremony ng mga bagong halal na Officers at Board of Directors ng 𝗡𝗲𝗼 𝗖𝗮𝗹𝗮𝗽𝗮𝗻 𝗛𝗼𝗺𝗲𝗼𝘄𝗻𝗲𝗿𝘀 𝗔𝘀𝘀𝗼𝗰𝗶𝗮𝘁𝗶𝗼𝗻 𝗳𝗼𝗿 𝘁𝗵𝗲 𝗬𝗲𝗮𝗿 𝟮𝟬𝟮𝟯-𝟮𝟬𝟮𝟱.

Abala man sa maraming gawain sa buong maghapon ay sinikap ni Mayor Malou na paunlakan ang imbistasyon ng kanyang mga kababayang naninirahan sa pinakamalaking subdivision sa lungsod, Halcon Resto Bar, Filipiniana Hotel, Calapan City, February 17, 2023.

Kabilang sa new set of officers na nanumpa sa katungkulan ay sina 𝗔𝗶𝘀𝗮𝗵 𝗡𝗼𝗿𝗮 𝗖𝗮𝗺𝗮𝗿𝗮-𝗣𝗿𝗲𝘀𝗶𝗱𝗲𝗻𝘁, 𝗥𝗲𝘆 𝗡𝗼𝗯𝗹𝗲 𝗔𝗰𝗼𝘀𝘁𝗮-𝗩𝗶𝗰𝗲 𝗣𝗿𝗲𝘀𝗶𝗱𝗲𝗻𝘁, 𝗡𝗶𝗻𝗲𝘁𝘁𝗲 𝗟𝘂𝘁𝗲𝗹𝗹𝗮-𝗧𝗿𝗲𝗮𝘀𝘂𝗿𝗲𝗿, 𝗝𝗲𝗻𝗻𝗶𝗳𝗲𝗿 𝗗𝗲 𝗟𝗮𝗿𝗮-𝗧𝗿𝗲𝗮𝘀𝘂𝗿𝗲𝗿, 𝗥𝗲𝗻𝗮𝗻𝘁𝗲 𝗩𝗲𝗹𝗮𝘀𝗰𝗼-𝗔𝘂𝗱𝗶𝘁𝗼𝗿.

Sa hanay naman ng mga Board of Directors ay nanumpa rin sina 𝗗𝗿. 𝗠𝗮𝗿𝘁𝗶𝗻 𝗧𝗮𝗻, 𝗟𝘂𝗱𝗲𝘃𝗲𝗰𝗼 𝗟𝗮𝘂𝗱𝗲𝗻𝗰𝗶𝗮, 𝗗𝗿. 𝗥𝗼𝗰𝗵𝗲 𝗔𝘂𝘁𝗿𝗶𝗮-𝗕𝗼𝗼𝗻𝗴𝗮𝗹𝗶𝗻𝗴, 𝗥𝗲𝘁. 𝗖𝗼𝗹. 𝗖𝗲𝘀𝗮𝗿 𝗠𝗮𝗿𝗮𝘃𝗶𝗹𝗹𝗮, 𝗥𝗼𝗻𝗮𝗹𝘆𝗻 𝗗𝗲𝗰𝗮𝘀𝘁𝗿𝗼 𝗣𝗮𝘀𝘁𝗿𝗼𝗻𝗲𝘀, 𝗠𝗲𝘆𝗻𝗮𝗿𝗱 𝗠𝗮𝗿𝘁𝗶𝗻𝗲𝘇, 𝗖𝗵𝗿𝗶𝘀𝘁𝗶𝗮𝗻 𝗔𝗹𝗳𝗲𝗿𝗲𝘇, 𝗕𝗲𝗻𝗴𝘀𝗸𝗶 𝗠𝗮𝘁𝗲𝗼 𝗔𝗯𝗲𝗹𝗹𝗮, 𝗪𝗮𝘆 𝗖𝗲𝗽𝗶𝗹𝗹𝗼, at 𝗠𝗲𝗹𝘃𝗶𝗻 𝗖𝘂𝗹𝘁𝘂𝗿𝗮.

Sa mensahe ni Mayor Malou ay kanyang binati ang mga bagong talagang opisyales ng NC-HOA kasunod ng kanyang pagkilala sa mga nagawa ng nakalipas na pamunuan sa paglikha ng isang komunidad na maayos at mapayapa na siya ring nais niyang mangyari sa kabuuan ng lungsod.

Ang Neo Calapan Subdivision ay tinitirhan ng mahigit 2,600 na mga residente na karamihan ay mga propesyunal.