Naimbitahan si 𝗖𝗶𝘁𝘆 𝗠𝗮𝘆𝗼𝗿 𝗠𝗮𝗹𝗼𝘂 𝗙𝗹𝗼𝗿𝗲𝘀-𝗠𝗼𝗿𝗶𝗹𝗹𝗼 sa pagpupulong ng 𝗡𝗮𝘇𝗮𝗿𝗲𝗻𝗼 𝗛𝗼𝗺𝗲𝗼𝘄𝗻𝗲𝗿𝘀 𝗔𝘀𝘀𝗼𝗰𝗶𝗮𝘁𝗶𝗼𝗻, Pebrero 17, 2024.
Ang mga kasapi ng nasabing asosasyon sa kasalukuyan ay binubuo ng 𝟯𝟰𝟯 na kabahayan na nagmula sa mga informal settlers sa lupang pagmamay-ari ni 𝑭𝒐𝒓𝒎𝒆𝒓 𝑮𝒐𝒗𝒆𝒓𝒏𝒐𝒓 𝗕𝗲𝗻𝗷𝗮𝗺𝗶𝗻 “𝗖𝗵𝗶𝗽𝗽𝘆” 𝗘𝘀𝗽𝗶𝗿𝗶𝘁𝘂 sa 𝗕𝗮𝗿𝗮𝗻𝗴𝗮𝘆 𝗟𝗮𝘇𝗮𝗿𝗲𝘁𝗼.
Sa tulong ng Pamahalaang Lungsod ng Calapan ay naisailalim sa 𝗖𝗼𝗺𝗺𝘂𝗻𝗶𝘁𝘆 𝗠𝗼𝗿𝘁𝗴𝗮𝗴𝗲 𝗣𝗿𝗼𝗴𝗿𝗮𝗺 (𝗖𝗠𝗣) ang naturang relocation site na may kabuuang sukat na 1.6 hectares.
Dahil nais ng Ina ng lungsod na matulungan ang kanyang mga kababayan na magkaroon ng oportunidad sa disenteng tirahan ay kanyang ipinahayag na tutulungan niya na maisaayos ang relokasyon ng mga naapektuhang residente sa pamamagitan ng 𝗖𝗶𝘁𝘆 𝗛𝗼𝘂𝘀𝗶𝗻𝗴 𝗮𝗻𝗱 𝗨𝗿𝗯𝗮𝗻 𝗦𝗲𝘁𝘁𝗹𝗲𝗺𝗲𝗻𝘁.
Konkretong kalsada, drainage canal, solar-powered street lights – ilan lamang ito sa mga ipinangakong tulong na ipagkakaloob ng Pamahalaang Lungsod para sa Nazareno Homeowners Association. Lalong ikinatuwa ng mga miyembro nang ipahayag ng Punong-lungsod na sasagutin na rin ng City Government ang pagpapasukat ng kanilang lote.
Kanya ring iminungkahi sa magkakapitbahay na ugaliing magbayanihan upang mabilis na matapos ang pagpapagawa ng kanilang mga bahay. Huwag din aniyang sayangin ang pagkakataon na magkaroon ng sariling tahanan dahil hanggang sa ngayon ay marami pa ring Calapeño ang nakatira sa lupang hindi nila pag-aari.
Dahil dito ay agad ipinaabot ni 𝗠𝗿. 𝗡𝗼𝗿𝗯𝗲𝘁𝗼 𝗔𝗹𝗰𝗮𝗻𝗼, 𝑵𝒂𝒛𝒂𝒓𝒆𝒏𝒐 𝑯𝑶𝑨 𝑷𝒓𝒆𝒔𝒊𝒅𝒆𝒏𝒕 ang lubos na pasasalamat sa aniya’y sinserong pagmamalasakit na ibinibigay ni Mayor Malou para sa mga katulad nila na kapos-palad.
Ganito rin ang naging pahayag ni 𝗞𝗮𝗽𝗶𝘁𝗮𝗻𝗮 𝗔𝗹𝗺𝗮 𝗝𝗮𝗺𝗶𝗹𝗹𝗮, kung kaya mahalaga aniya na may maayos na ugnayan ang mga residente at Sangguniang Barangay upang sa gayon ay maging kaagapay sila sa pagpapaabot ng hinaing sa Pamahalaang Lungsod.
Maliban sa mga binanggit na ayuda ay pinapalakas na rin ang lokal na turismo sa Lazareto. Dito matatagpuan ang 𝑯𝒂𝒓𝒌𝒂 𝑷𝒊𝒍𝒐𝒕𝒐 na isa sa ipinagmamalaking 𝑴𝒂𝒓𝒊𝒏𝒆 𝑷𝒓𝒐𝒕𝒆𝒄𝒕𝒆𝒅 𝑨𝒓𝒆𝒂 sa lungsod. Nasa bahagi rin ng karagatan dito ang mga nadiskubreng diving sites na may potensyal na mapabilang sa tourism diving map ng bansa.
Kung kaya naman, gayon na lamang ang pakiusap ng Punong-lungsod na maging kaisa sila sa mga programa sa pangangalaga ng kalikasan na ipinatutupad ng kanyang administrasyon.
Ang naganap na pagpupulong ay pinangasiwaan ng mga volunteers mula sa 𝗙𝗲𝗲𝗱𝗲𝗿 𝗜𝗻𝗰𝗼𝗿𝗽𝗼𝗿𝗮𝘁𝗲𝗱, isang Non-governmental Organization na tumutulong upang maging tagamagitan ng gobyerno at ng mga organisadong Homeowners Association sa pagsasakatuparan ng CMP.