“𝑨𝒈𝒆 𝒔𝒉𝒐𝒖𝒍𝒅 𝒏𝒆𝒗𝒆𝒓 𝒃𝒆 𝒂 𝒇𝒂𝒄𝒕𝒐𝒓 𝒊𝒏 𝒍𝒆𝒂𝒅𝒆𝒓𝒔𝒉𝒊𝒑.” Ito ang mga katagang ibinahagi ni 𝗕𝗮𝗴𝘂𝗶𝗼 𝗠𝗮𝘆𝗼𝗿 𝗕𝗲𝗻𝗷𝗮𝗺𝗶𝗻 𝗠𝗮𝗴𝗮𝗹𝗼𝗻𝗴, 𝗟𝗖𝗣 𝗦𝗲𝗰𝗿𝗲𝘁𝗮𝗿𝘆-𝗚𝗲𝗻𝗲𝗿𝗮𝗹 sa katatapos lamang na 𝗡𝗮𝘁𝗶𝗼𝗻𝗮𝗹 𝗬𝗼𝘂𝘁𝗵 𝗦𝘂𝗺𝗺𝗶𝘁 𝗢𝗻 𝗧𝗿𝗮𝗻𝘀𝗳𝗼𝗿𝗺𝗮𝘁𝗶𝗼𝗻𝗮𝗹 𝗟𝗲𝗮𝗱𝗲𝗿𝘀𝗵𝗶𝗽 𝗮𝗻𝗱 𝗚𝗼𝗼𝗱 𝗚𝗼𝘃𝗲𝗿𝗻𝗮𝗻𝗰𝗲 noong ika 11-12 ng Abril taong kasalukuyan sa Baguio City Convention and Cultural Center.

Kaugnay nito, ipinadala ni Mayor Malou sina 𝗠𝘀. 𝗫𝘆𝗿𝗶𝘀𝗵 𝗝𝗼𝗮𝗻𝗻 𝗟𝗼𝗽𝗲𝘇 – 𝗖𝗬𝗦𝗗𝗗 𝘀𝘁𝗮𝗳𝗳, 𝗟𝗬𝗗𝗢 𝗥𝗲𝗽𝗿𝗲𝘀𝗲𝗻𝘁𝗮𝘁𝗶𝘃𝗲 at 𝘆𝗼𝘂𝘁𝗵 𝗮𝗱𝘃𝗼𝗰𝗮𝘁𝗲, 𝗠𝗿. 𝗝𝗼𝘀𝗵𝘂𝗮 𝗗𝗲𝗹𝗳𝗶𝗻 – 𝗣𝗿𝗲𝘀𝗶𝗱𝗲𝗻𝘁, 𝗦𝘂𝗽𝗿𝗲𝗺𝗲 𝗦𝘁𝘂𝗱𝗲𝗻𝘁 𝗚𝗼𝘃𝗲𝗿𝗻𝗺𝗲𝗻𝘁 𝗢𝗠𝗡𝗛𝗦 at 𝗠𝗿. 𝗚𝗶𝗼 𝗘𝗮𝗿𝗹 𝗟𝗮𝗴𝘂𝗲𝗿𝘁𝗮 – 𝗣𝗿𝗲𝘀𝗶𝗱𝗲𝗻𝘁 𝟰-𝗛 𝗖𝗹𝘂𝗯 𝗖𝗮𝗹𝗮𝗽𝗮𝗻 𝗖𝗶𝘁𝘆 sa isinagawang National Youth Summit 2023.

Bilang Ina ng Lungsod, naniniwala si Calapan City Mayor Malou Flores-Morillo na mainam na hubugin at pagyamanin ang kaalaman ng ating mga kabataan pagdating sa kung papaano maging isang epektibong namumuno na mayroong TAMAng pamamahala.

𝗘𝗺𝗽𝗼𝘄𝗲𝗿𝗶𝗻𝗴 𝗙𝗶𝗹𝗶𝗽𝗶𝗻𝗼 𝗬𝗼𝘂𝘁𝗵 – Ito ang naging layon ng 𝗔𝘀𝘀𝗼𝗰𝗶𝗮𝘁𝗶𝗼𝗻 𝗼𝗳 𝗙𝗶𝗹𝗶𝗽𝗶𝗻𝗼 𝗬𝗼𝘂𝘁𝗵 𝗳𝗼𝗿 𝗖𝗶𝘃𝗶𝗰 𝗔𝗰𝘁𝗶𝗼𝗻 (𝗔𝗙𝗬𝗖𝗔), 𝗡𝗮𝘁𝗶𝗼𝗻𝗮𝗹 𝗬𝗼𝘂𝘁𝗵 𝗖𝗼𝗺𝗺𝗶𝘀𝘀𝗶𝗼𝗻 𝗖𝗔𝗥 and 𝗥𝗲𝗴𝗶𝗼𝗻 𝟭, 𝗕𝗮𝗴𝘂𝗶𝗼 𝗖𝗶𝘁𝘆 𝗟𝗼𝗰𝗮𝗹 𝗬𝗼𝘂𝘁𝗵 𝗗𝗲𝘃𝗲𝗹𝗼𝗽𝗺𝗲𝗻𝘁 𝗢𝗳𝗳𝗶𝗰𝗲, 𝗠𝗶𝗻𝗶𝘀𝘁𝗿𝗶𝗲𝘀 at iba pang government offices, sa pagsasagawa ng nasabing youth summit na nagkaroon ng temang ‘A Call for Convergence’.

Ilan lamang sina 𝗗𝗿. 𝗥𝗼𝗱𝗼𝗹𝗳𝗼 ‘𝗦𝗼𝗵𝗹’ 𝗗𝗲 𝗚𝘂𝗶𝗮-𝗡𝗮𝘁𝗶𝗼𝗻𝗮𝗹 𝗖𝗼𝗻𝘃𝗲𝗻𝗼𝗿, 𝗚𝗹𝗼𝗯𝗮𝗹 𝗟𝗲𝗮𝗱𝗲𝗿𝘀𝗵𝗶𝗽 𝗡𝗲𝘁𝘄𝗼𝗿𝗸 𝗣𝗵𝗶𝗹𝗶𝗽𝗽𝗶𝗻𝗲𝘀, 𝗠𝘀. 𝗦𝗵𝗲𝗿𝗶𝗱𝗮𝗻 𝗚𝗮𝗷𝗲𝘁𝗲-𝗡𝗬𝗖 𝗥𝗲𝗴𝗶𝗼𝗻 𝟭 𝗮𝗻𝗱 𝗖𝗔𝗥 𝗖𝗹𝘂𝘀𝘁𝗲𝗿 𝗛𝗲𝗮𝗱, 𝗳𝗼𝗿𝗺𝗲𝗿 𝗠𝘀. 𝗣𝗵𝗶𝗹𝗶𝗽𝗽𝗶𝗻𝗲𝘀 𝗩𝗲𝗻𝘂𝘀 𝗥𝗮𝗷-𝗘𝘅𝗲𝗰𝘂𝘁𝗶𝘃𝗲 𝗗𝗶𝗿𝗲𝗰𝘁𝗼𝗿 𝗼𝗳 𝗦𝗶𝗺𝘂𝗹𝗮 𝗻𝗴 𝗣𝗮𝗴𝗮𝘀𝗮 (𝗦𝗜𝗣𝗔𝗚) at 𝗖𝗶𝘁𝘆 𝗖𝗼𝘂𝗻𝗰𝗶𝗹𝗼𝗿 𝗟𝗲𝘃𝘆 𝗟𝗹𝗼𝘆𝗱 𝗢𝗿𝗰𝗮𝗹𝗲𝘀, sa mga naging speakers sa isinagawang youth summit na nagbigay ng mahahalagang punto, mensahe at mga paalaala hinggil sa kahalagahan ng pamumunong hindi makasarili, at mayroong pagpapahalaga at pagmamahal sa ating bayan, kultura at lipi.

Samantala, upang maging ganap na ‘𝒕𝒓𝒂𝒏𝒔𝒇𝒐𝒓𝒎𝒂𝒕𝒊𝒐𝒏𝒂𝒍 𝒍𝒆𝒂𝒅𝒆𝒓𝒔’, ayon sa iba pang naging tagapagsalita, ang mahalagang sangkap ay determinasyon, dedikasyon at paglilingkod na mula sa puso.

Ang mga naging partisipante ng naturang youth summit ay nagmula sa Regions 1-12, National Capital Region at Cordillera Administrative Region.