Pinagdiriwang natin ngayong buwan ng Oktubre sa pangunguna ng Department of Human Settlements and Urban Development ang National Shelter Month na may temang Abot-kayang Pabahay tungo sa Panatag na Buhay.
Bilang parte ng pagdiriwang, isinagawa ng DHSUD MIMAROPA ang NSM Caravan sa Calapan City Plaza Pavilion nitong ika-18 ng Oktubre na dinaluhan ng mga miyembro ng Homeowners Association ng Oriental Mindoro.
Layunin ng DHSUD na magbigay ng report at update sa mga HOA tungkol sa mga serbisyo at programa ng kanilang mga operating units: Housing and Real Estate Development Regulation Division, Homeowners Association and Community Development Division, Public Housing and Settlements Division, at Environmental, Land Use and Urban Planning Development Division.



