Ginanap ang ‘National Elderly Filipino Week 2024’ Celebration ng Pamahalaang Lungsod sa pangunguna ng Office of the Senior Citizens Affair (OSCA) na pinamumunuan ni Mr. Oscar Ricaflanca. Tinalakay ang pag-iwas
sa online scam, mga benepisyo ng senior citizens, at mga ordinansang para sa kanilang kapakanan. Pinahayag ni Mayor Malou Flores-Morillo ang hangaring maitaas ang pagkilala sa mahalagang kontribusyon ng ating mga lolo at lola sa lipunan.