NATIONAL CHILDREN’S MONTH CELEBRATION 2024

“Break the Prevalence, End the Violence: Protecting Children, Creating a Safe Philippines!” Masayang binisita ni City Mayor Marilou Flores-Morillo at Team TAMA ang mga batang Calapeño na kalahok sa idinaos na aktibidad, bilang pakikiisa sa ‘National Children’s Month Celebration 2024’, na nakaangkla sa temang “Break

the Prevalence, End the Violence: Protecting Children, Creating a Safe Philippines!” na isinakatuparan ng Pamahalaang Lungsod ng Calapan, sa pamamagitan ng City Social Welfare and Development Department, sa pamumuno, ni CSWD Officer, Ms. Juvy L. Bahia, RSW, ginanap sa Calapan Recreational and Zoological Park, Barangay Bulusan, Calapan City, nitong ika-22 ng Nobyembre. Tampok sa naturang gawain ang pagpapamalas ng angking husay ng mga talentadong bulilit mula sa iba’t ibang Barangay Child Development Center sa Lungsod ng Calapan, sa pamamagitan ng pakikiisa sa mga makabuluhang bahagi ng aktibidad, kung saan makikita ng kanilang pagiging bibo at masayahin. Naniniwala ang Punong-lungsod, Mayor Malou Morillo na kabataan ang pag-asa ng bayan, kaya naman ang mga ganitong uri ng aktibidad ay tila pagbibigay liwanag para sa mga batang nararapat na pahalagahan, ingatan, at bigyan ng kalayaan at kapayapaang matamasa ang kanilang mga karapatan, tungo sa mas maayos at maunlad na hinaharap ng isang matatag na lipunan. Samantala, nakasama ni Mayor Malou Morillo na dumalo at nagpakita ng pagsuporta sa nasabing aktibidad ang mga kasamahan niya sa Team TAMA na sina Judge Paddy Padilla, Mr. Jaypee M. Vega, Former City Councilor Ms. Mylene de Jesus, Mr. Ruel Marasigan Cosico, Atty. Ejay Baculo, Dr. Mervin Tan, Mr. Keenan Gupit Comia, at Ms. Samantha Gutierrez Bug-os .