“MusiKALAP: Pista ng Musika at Saya Grand Concert 2025”

MusiKALAP: Pista ng Musika at Saya!
The 27th Cityhood Anniversary Grand Concert
Nag-uumapaw na kasiyahan at musikahan na may kasamang kilig at hiyawan, iyan ang mga

hindi malilimutang tagpo sa idinaos na “MusiKALAP: Pista ng Musika at Saya Grand Concert 2025”, bilang bahagi ng makulay na pagdiriwang ng “KALAP Festival 2025 | The 27th Cityhood Anniversary of Calapan”, na inorganisa sa pangunguna ng Pamahalaang Lungsod ng Calapan, sa pamumuno ni City Mayor Marilou Flores-Morillo, ginanap sa Oriental Mindoro National High School (OMNHS) Grounds, Lungsod ng Calapan, nitong ika-21 ng Marso.
Talaga namang nag-enjoy ang lahat sa naganap na grand concert 2025, dahil sa napakasolid na pagtatanghal dito ng mga kilalang guest artist na sina James Reid, AL James, John Roa at Arthur Miguel, kasama rin dito ang P-Pop idol group na “Alamat”, “Cobby Band” at “Comedians Jayya & Dionisia”.
Tampok din dito ang front acts at special performances na hatid ng MUSIKABABAIHAN: Huwarang Juana, Porpip, Faded Lines, Tol’s Acoustic, Hooligans, Pilyos, 5 Strings, FeedBack, Kids Can Tell, Mayora Juana, Uplifter, Saga at Simple Guys feat. BBlitz.
Buhay na buhay ang sigla at saya ng bawat isang Calapeno sa nakamamanghang pagtatanghal ng mga mahuhusay na local artist, kung saan ang gabing ito ay mas pinakulay at mas pinagningning ng napakagandang “Fireworks Display”, patunay ito na ang Lungsod ng Calapan ay kabilang sa mga may pinakamasaya at pinakaenggrandeng pagdiriwang na isinasagawa sa buong lalawigan, maging sa buong Pilipinas.
“Noong ako’y tumatakbo, bilang Mayor ng Lungsod ng Calapan, ipinangako ko na ibabalik ko ang kasiyahan dito sa Lungsod ng Calapan at ‘yan ay naganap at muli pang magaganap, para sa lahat, sa pagbabago ng Lungsod ng Calapan. Ang pagdiriwang na ito, ay hindi lamang isang selebrasyon ng nakaraan at kasaysayan ng ating lungsod, kundi ito ay isang pagtitipon ng ating lakas, kultura at pagkakaisa.” – Mayor Marilou Flores-Morillo
Samantala, matagumpay na naisakatuparan ang aktibidad na ito sa pangunguna ng Pamahalaang Lungsod ng Calapan, sa pamumuno ni City Mayor Marilou Flores-Morillo, sa pamamagitan ng Calapan City Tourism, Culture and Arts Department, sa pamumuno ni City Tourism Officer, Ms. Angel Joy Soto Acedera, katuwang ang iba pang mga departamento at mga opisina ng City Government of Calapan, kasama rin ang OMNHS sa pamumuno ni Dr. Nimrod F. Bantigue para sa venue, ang Team TAMA at iba pa.
Gayundin, naging posible rin ito sa tulong ng major & minor sponsors, sa suporta nina Governor Humerlito “Bonz” Dolor, Cong. Alfonso “PA” Umali, 2nd District, Oriental Mindoro, at Cong. Ed Christopher Go, 2nd District, Isabela, kasama ang Ginebra San Miguel, Lyn Concepcion of Shell, ITP, Calapan Waterworks Corp., Quatro Bella, Nature Spring, Kamil’s Bakeshop, Thela Cafe, Des Marketing, Batangueno Security Agency, Nuciti Mall, Citi Mart, Converge, Dunkin’ at Sinag Coffee Roastery.