๐ ๐จ๐ฆ๐๐๐๐๐๐ก ๐ฆ๐ ๐๐๐๐๐ฃ๐๐ก ๐ ๐จ๐๐ ๐๐๐ฌ ๐๐ข๐ก๐. ๐๐ฅ๐ก๐๐ก
Opening Event for the Celebration of Calapan’s 25th Cityhood Anniversary!
“๐ด๐๐๐๐๐๐ ๐๐๐๐๐๐๐, ๐๐๐ ๐๐๐ ๐๐๐๐๐ ๐๐ ๐๐๐๐๐๐๐ ๐๐”. Ganyan si ๐๐ผ๐ป๐ด. ๐๐ฟ๐ป๐ฎ๐ป!
Makalipas ang halos tatlong taon, nang sa kalagitnaan ng pandemya ay ipanangako ni former Calapan City Mayor at ngayo’y ๐๐ผ๐ป๐ด. ๐๐ฟ๐ป๐ฎ๐ป ๐ฃ๐ฎ๐ป๐ฎ๐น๐ถ๐ด๐ฎ๐ป na magpapa-party at magpapainom siya kapag safe na tayo sa COVID-19.
Ang pangakong ito ay kanyang binigyang katuparan kasabay ng ๐๐ถ๐ฐ๐ธ-๐ผ๐ณ๐ณ ๐๐ฒ๐ฟ๐ฒ๐บ๐ผ๐ป๐ ng ๐ฎ๐ฑ๐๐ต ๐๐ถ๐๐๐ต๐ผ๐ผ๐ฑ ๐๐ป๐ป๐ถ๐๐ฒ๐ฟ๐๐ฎ๐ฟ๐ ng ๐๐ฎ๐น๐ฎ๐ฝ๐ฎ๐ป na kung saan ay libreng concert ang ipinagkaloob ni 1st District Representative Arnan Panaligan para sa mga Calapeรฑo, ginanap sa OMNHS Grandstand, Pebrero 25, 2023.
Bahagi na rin ito ng pasasalamat ng Lungsod ng Calapan dahil sa unti-unting pagbabalik sa normal ng ating pamumuhay. Kabilang sa mga sikat at mahuhusay na artist performers na naimbitahan upang pasayahin ang mga Calapeรฑo ay sina ๐๐ฒ๐ป๐ป๐ถ๐ฒ ๐๐ฎ๐ฏ๐ฟ๐ถ๐ฒ๐น, ๐ก๐ถ๐ธ ๐ ๐ฎ๐ธ๐ถ๐ป๐ผ at ang bandang ๐ฆ๐ฝ๐ผ๐ป๐ด๐ฒ ๐๐ผ๐น๐ฎ.
Sinimulan ang pagpapasigla ng gabi sa pamamagitan ng rakrakang hatid ng mga local bands gaya ng ๐ ๐ฎ๐๐ผ๐ฟ๐ฎ ๐๐๐ฎ๐ป๐ฎ, ๐๐น๐๐ฏ๐ฎ๐ฐ๐ธ, ๐๐ถ๐ฑ๐ ๐๐ฎ๐ป ๐ง๐ฒ๐น๐น, ๐จ๐ป๐๐ผ๐น๐ฑ at ๐จ๐ฝ๐น๐ถ๐ณ๐๐ฒ๐ฟ na pinatunayang hindi rin magpapahuli ang talento ng mga taga-Calapan.
Dumalo sa nasabing okasyon si Cong. Arnan na siyang sponsor ng kasiyahan, sa kanyang mensahe ay muli nitong sinariwa kung papaano nagsimula at ang mga pinagdaanang pagsubok at tagumpay simula ng maging isang ganap na lungsod ang dating bayan ng Calapan. Kasunod nito ang nakamamanghang fireworks display na bahagi rin ng kick-off ceremony.
Sa pinakaabangang highlights ng nasabing konsyerto ay naaliw ang lahat sa mga awitin at ma-kwelang pagtatanghal ni Jennie Gabriel.
Mas tumindi ang hype ng umakyat na sa entablado ang sikat na rapper na si Nik Makino na hatid ay mga makabagong musika na patok sa mga kabataan.
Bagamat lumalalim na ang gabi ngunit lalong nabuhayan ng diwa ang mga manunuod nang magsimula na ang pagtatangahal ng bandang iniidolo ng karamihan ng kabataan, gayundin ang mga may edad ay napapasabay sa bawat perfomances ng Sponge Cola. Hindi magkamayaw ang mga manunuod mula sa umpisa hanggang sa magtapos ang mga panuorin. Patunay lamang ito na napapanahon upang bigyang naman ang taumbayan matapos na tayo ay dumaan sa pandemya.
Sina ๐๐ถ๐๐ ๐ ๐ฎ๐๐ผ๐ฟ ๐ ๐ฎ๐น๐ผ๐ ๐๐น๐ผ๐ฟ๐ฒ๐-๐ ๐ผ๐ฟ๐ถ๐น๐น๐ผ at ang ilang miyembro ng Sangguniang Panlungsod sa pangunguna ni ๐๐ถ๐๐ ๐ฉ๐ถ๐ฐ๐ฒ ๐ ๐ฎ๐๐ผ๐ฟ ๐๐ถ๐บ ๐๐ด๐ป๐ฎ๐ฐ๐ถ๐ผ ay nakiisa rin sa naturang okasyon.
Pasasalamat naman ang ipinaabot ni Mayor Malou kay Cong. Arnan at sinabing ang araw na ito ay ibinigay ng Pamahalaang Lungsod upang bigyang daan ang handog na libreng konsyerto ni Cong. Arnan bilang bahagi ng Opening Ceremony ng 25th Founding Anniversary ng Calapan City. Aniya pa ito ay isa lamang sa 25 aktibidades na nakapaloob sa selebrasyon.
Kasama ring nakisaya sa gabi ang mga barangay officials, mga kawani ng City Government at ilan pang politiko tulad nina ๐ฎ๐ป๐ฑ ๐๐ถ๐๐๐ฟ๐ถ๐ฐ๐ ๐ฅ๐ฒ๐ฝ๐ฟ๐ฒ๐๐ฒ๐ป๐๐ฎ๐๐ถ๐๐ฒ ๐๐น๐ณ๐ผ๐ป๐๐ผ “๐ฃ๐” ๐จ๐บ๐ฎ๐น๐ถ ๐๐ฟ., ๐๐ผ๐ฎ๐ฟ๐ฑ ๐ ๐ฒ๐บ๐ฏ๐ฒ๐ฟ ๐ฃ๐ฎ๐ ๐จ๐บ๐ฎ๐น๐ถ at si ๐ฑ๐ฎ๐๐ถ๐ป๐ด ๐๐ถ๐๐ ๐๐ผ๐๐ป๐ฐ๐ถ๐น๐ผ๐ฟ ๐๐๐๐. ๐๐ผ๐ฟ๐๐ฏ๐ฒ๐น๐น๐ฒ ๐ง๐ฎ๐ป๐๐ฎ๐ด-๐ฃ๐ฎ๐ป๐ฎ๐น๐ถ๐ด๐ฎ๐ป.
Bukod sa libreng konsyerto ay may libre pang pagkain at inumin na kabutihang loob pa rin ni Cong. Arnan.















