MRAA Delegates Cash Incentives Distribution

Binigyang pagkilala at pinagkalooban ng cash incentive sa City Hall, nitong ika-1 ng Hulyo

ang mga mahuhusay na manlalaro ng Lungsod ng Calapan na sumabak sa nakaraang MIMAROPA Regional Athletic Association (MRAA) Meet 2024.
Bago simulan ang nasabing aktibidad, nagpamalas muna ng galing sa pag-indak ang delegasyon ng Lungsod ng Calapan, sa pamamagitan ng kanilang presentasyon ng pagbati na masayang pinanood ni City Mayor Marilou Flores-Morillo, at ng mga kawani ng Pamahalaang Lungsod ng Calapan.
Sa pangunguna ng City Youth and Sports Development Department, sa pamumuno ni CYSDD Officer, Mr. Marvin L. Panahon, iginawad sa mga nagwaging MRAA players mula sa Elementary & Secondary level ang nasabing insentibo.
Para sa mga lumahok sa Individual Events, ang Gold Medalist ay makatatanggap ng P4,000.00, P3,000.00 para sa Silver Medalist, at P2,000.00 naman para sa Bronze Medalist, kung saan mayroon ding matatanggap na kaukulang insentibo ang mga nanalo sa Dual at Team Events.