Nasaksihan ni 𝗖𝗶𝘁𝘆 𝗠𝗮𝘆𝗼𝗿 𝗠𝗮𝗿𝗶𝗹𝗼𝘂 𝗙𝗹𝗼𝗿𝗲𝘀-𝗠𝗼𝗿𝗶𝗹𝗹𝗼, kasama ang mga Department Head, Program Managers, at mga kawani ng Pamahalaang Lungsod ang natatanging talento ng mga kalahok sa 𝗠𝗿. 𝗮𝗻𝗱 𝗠𝘀. 𝗖𝗚𝗖 𝟮𝟬𝟮𝟯 sa 𝑻𝒂𝒍𝒆𝒏𝒕 𝑺𝒉𝒐𝒘𝒄𝒂𝒔𝒆 na ginanap sa New City Hall Building, nitong ika-15 ng Marso.

Ang mga pambatong kandidato at kandita ay nagmula sa 𝗣𝘂𝗿𝗽𝗹𝗲 𝗗𝗲𝗳𝗲𝗻𝗱𝗲𝗿𝘀, 𝗣𝗶𝗻𝗸 𝗣𝗮𝗻𝘁𝗵𝗲𝗿𝘀, 𝗥𝗲𝗱 𝗛𝗼𝘁 𝗖𝗵𝗶𝗹𝗶 𝗣𝗲𝗽𝗽𝗲𝗿𝘀, 𝗧𝗔𝗻𝗴𝗲𝗿𝗶𝗻𝗲 𝗠𝗔𝗿𝘃𝗲𝗹𝘀, 𝗬𝗲𝗹𝗹𝗼𝘄 𝗙𝗶𝗻𝗮𝗻𝗰𝗲 𝗠𝗮𝘀𝘁𝗲𝗿𝘀, 𝗚𝗿𝗲𝗲𝗻 𝗞𝗻𝗶𝗴𝗵𝘁𝘀, at 𝗕𝗹𝘂𝗲 𝗟𝗮𝘄 𝗠𝗮𝗸𝗲𝗿𝘀, kung saan ay pinatunayan ng bawat isa sa kanila na sa likod ng kanilang nagniningning na imahe ay mayroon pa silang itinatagong angking husay at galing sa iba pang larangan.

Tampok ang iba’t ibang natatanging pagtatanghal ng mga kalahok sa naturang gawain, kung saan ay mayroong naghatid ng madamdaming kwento sa pamamagitan ng pagsayaw, mayroong nagpamalas ng kakaibang husay sa pag-indak at paggalaw, mayroong umawit na naghatid ng kakaibang istilo at himig sa musika, mayroong mahusay pagdating sa pagtula, at mayroong nagbahagi ng nakamamanghang makabagong pamamaran ng pagsayaw.

Hindi binigo ng bawat pares na pakiligin, pabilibin, at pasayahin ang mga manonood na nagpakita ng mainit na pagsuporta sa kanila.

Kabilang sa mga mahuhusay na huradong nagbigay hatol sa kanilang hindi matatawarang pagtatanghal ay sina 𝗠𝘀. 𝗢𝗱𝗲𝘀𝘀𝗮 𝗟. 𝗦𝗲𝗿𝗿𝗮𝗻𝗼, 𝗔𝘁𝘁𝘆. 𝗝𝗲𝘀𝘂𝘀 𝗙𝗿𝗮𝗻𝗰𝗼 𝗕. 𝗟𝗮𝘀𝗾𝘂𝗶𝘁𝗲, at 𝗠𝘀. 𝗞𝗮𝘆 𝗟𝗹𝗲𝗻𝗮𝗻𝗱 𝗢𝗿𝘁𝗶𝘇-𝗧𝗮𝗴𝘂𝗻𝗮𝘆𝗼𝗻.

Matagumpay na naisagawa ang makabuluhang gawain sa pangunguna ng 𝗖𝗶𝘁𝘆 𝗛𝘂𝗺𝗮𝗻 𝗥𝗲𝘀𝗼𝘂𝗿𝗰𝗲 𝗮𝗻𝗱 𝗠𝗮𝗻𝗮𝗴𝗲𝗺𝗲𝗻𝘁 𝗗𝗲𝗽𝗮𝗿𝘁𝗺𝗲𝗻𝘁 sa pamumuno ni 𝗖𝗛𝗥𝗠 𝗢𝗳𝗳𝗶𝗰𝗲𝗿 𝗠𝗿. 𝗥𝗼𝗹𝗮𝗻𝗱 “𝗗𝘂𝗺𝗯𝗼” 𝗢. 𝗣𝘂𝗻𝘇𝗮𝗹𝗮𝗻.

Ayon kay Mayor Morillo, patunay ito na ang mga empleyado ng City Government of Calapan ay hindi lang maaasahan sa mga gawain sa loob ng opisina, kung hindi mayroon ding silang ibubuga pagdating sa pagandahan, pagwapuhan, pagsayaw, pag-awit, at iba pang pagpapamalas ng angking kakayahan na siyang tunay na karapat-dapat na ipagmalaki.