Nilagdaan na ni City Mayor Marilou Morillo at Gov. Lee Chulwoo ang Memorandum of Understanding on Agricultural Exchange between Gyeongsangbuk-do Provincial Gobernment of the Republic of Korea and the City Government of Calapan nitong ika-22 ng Nobyembre.

Sa pamamagitan ng Zoom Meeting ay isinagawa ang signing ceremony para sa nasabing MOU at tumayo naman bilang saksi si Atty. Rey Daniel S. Acedillo, City Legal Officer.

Taos-pusong pasasalamat naman ang mensahe ng Punong Lungsod kay Gov. Lee para sa magandang oportunidad na binigay ng kaniyang pamahalaan sa mga Calapeño.

Aniya, maraming Calapeño ang nagnanais na makapagtrabaho sa Korea at sinisigurado niya na gagawin nila nang tama at maayos ang ibinigay na trabaho.

Ipinakilala din ni Mayor Malou si City Agriculturist Lorelein Sevilla bilang siya ang katuwang ng alkalde sa pagsasanay sa mga nais makasama sa Korea.

Ipinabatid naman ni Gov. Lee ang pagnanais na magkita at makapag-usap silang muli nang personal ni Mayor Malou dito mismo sa Lungsod ng Calapan.