Sa kauna-unahang pagkakataon sa Lungsod ng Calapan ay matagumpay na nailunsad ang 𝗠𝗼𝗿𝗶𝗼𝗻𝗲𝘀 𝗱𝗲 𝗖𝗮𝗹𝗮𝗽𝗮𝗻 𝟮𝟬𝟮𝟯 ng Pamahalaang Lungsod na pinamumunuan ni 𝗖𝗶𝘁𝘆 𝗠𝗮𝘆𝗼𝗿 𝗠𝗮𝗿𝗶𝗹𝗼𝘂 𝗙𝗹𝗼𝗿𝗲𝘀-𝗠𝗼𝗿𝗶𝗹𝗹𝗼 at sa pamamagitan ng Calapan City Tourism, Culture and Arts sa pangunguna naman ni 𝗠𝗿. 𝗖𝗵𝗿𝗶𝘀𝘁𝗶𝗮𝗻 𝗚𝗮𝘂𝗱.
Mula 𝑳𝒖𝒏𝒆𝒔 𝑺𝒂𝒏𝒕𝒐 hanggang 𝑳𝒊𝒏𝒈𝒈𝒐 𝒏𝒈 𝑴𝒖𝒍𝒊𝒏𝒈 𝑷𝒂𝒈𝒌𝒂𝒃𝒖𝒉𝒂𝒚 ay umikot ang mga kalahok na Morion sa iba’t ibang sulok ng Calapan upang masaksihan ng mga Calapeno ang kanilang mga magagarang kasuotan habang ipinapakita ang naging papel ng mga Morion sa paglalakbay ni Hesus.
Nito nga lamang ika-9 NG Abril ay ginanap ang kanilang final showdown sa Calapan City Public Market kung saan nakilala na ang mga nagwagi sa Moriones de Calapan 2023.
Nakuha ni 𝗝𝗼𝗵𝗻 𝗟𝗲𝗺𝘂𝗲𝗹𝗹 𝗔𝘁𝗶𝗲𝗻𝘇𝗮 ang Unang Karangalan, pumangalawa naman si 𝗖𝗿𝗶𝘀 𝗝𝗮𝘆 𝗨𝗹𝗮𝘆𝗮𝗼, at pangatlo si 𝗕𝗶𝗹𝗹𝘆 𝗝𝗼 𝗣𝗮𝘂𝘁𝗮𝗻𝗲𝘀.
Si 𝗥𝗼𝗱𝗲𝗹 𝗕𝗲𝗷𝗲𝗿 at 𝗧𝗶𝗿𝘀𝗼 𝗚𝗮𝗯𝗮𝘆𝗻𝗼 naman ang nakakuha ng ikaapat at ikalimang karangalan.















