Planong sentro ang mamamayan, tungo sa masaganang lipunan!
Isinagawa ng National Economic and Development MIMAROPA ang MIMAROPA Regional Development Plan 2023-2028 Provincial Roadshow in Oriental Mindoro na pinangunahan ni Regional Director EnP. Agustin C. Mendoza nitong ika-21 ng Pebrero sa Calapan City Convention Center.
Ito naman ay dinaluhan ni City Mayor Marilou Flores-Morillo at ng iba pang Punong Bayan sa pangunguna ni Governor Humerlito Bonz Dolor at League of Municipalities in the Philippines – OrMin Chapter President at Baco Municipal Mayor, Hon. Elegio O. Malaluan.
Layunin ng roadshow na iprisinta sa lalawigan ang nilalaman ng MIMAROPA RDP Plan 2023-2028, partikular na ang mga proyektong nakalaan para sa Oriental Mindoro.
Mayroong 1,032 Programs and Projects o PAPs na may kaakibat na Investment Requirement na nagkakahalagang PHP 499.31 billion sa MIMAROPA RDP Plan 2023-2028; at nasa 2% (PHP 8.38 billion) ang mapapakinabangan ng Oriental Mindoro.
Pinagtibay naman ng mga opisyal na naroon ang kanilang suporta at pakikiisa sa pagpapaunlad ng bansa sa pamamagitan ng pagpirma sa Pledge of Commitment.