MIMAROPA Population and Development Conference

Nasa Lungsod ng Maynila si Calapan City Mayor Malou Flores-Morillo, kasama si Calapan City Population and Development Officer Dr. Ma. Teresita Nieva Bolor, ngayong araw, November 25 upang dumalo sa 2024 MIMAROPA Population and Development Conference. Ang nasabing pagtitipon ay naglalayong tugunan ang

mahahalagang isyu ng populasyon at pag-unlad sa rehiyon. Kabilang sa mga naging agenda ay ang mga sumusunod: • Identify Regional Challenges and Opportunities in MIMAROPA • Foster Collaboration • Develop Capacity-Building Strategies • Showcase Best Practices • Launch of the Regional Population and Development Plan of Action 2023-2028 Nagbigay ng talumpati si Mayor Morillo, kung saan ipinakilala niya ang mga inisyatibo ng Calapan City, partikular ang Social Protection Program for Adolescent Mothers and their Children. Binibigyang-pansin ng programang ito ang pangangailangan ng mga batang ina at kanilang mga anak sa pamamagitan ng komprehensibong suporta para sa kanilang kalusugan, edukasyon, at kabuhayan.

Click to View