Feeling blessed ang mga Lolo at Lola natin sa buong Lungsod ng Calapan dahil sa libreng suplay ng gatas na patuloy na tinutupad ni 𝗖𝗶𝘁𝘆 𝗠𝗮𝘆𝗼𝗿 𝗠𝗮𝗹𝗼𝘂 𝗙𝗹𝗼𝗿𝗲𝘀-𝗠𝗼𝗿𝗶𝗹𝗹𝗼 para sa kanila.
Sa 𝗕𝗮𝗿𝗮𝗻𝗴𝗮𝘆 𝗦𝗮𝗻 𝗔𝗻𝘁𝗼𝗻𝗶𝗼, Calapan City ay may 𝟯𝟱𝟭 na senior citizens ang nakatanggap muli ng kanilang libreng gatas para sa 2nd at 3rd quarter ng taon. Ang isinagawang pamamahagi ay ginanap sa covered court ng barangay noong Nobyembre 26, 2023, sa tulong ng Sangguniang Barangay na pinamumunuan ni 𝗕𝗮𝗿𝗮𝗻𝗴𝗮𝘆 𝗖𝗮𝗽𝘁𝗮𝗶𝗻 𝗗𝗼𝗿𝗶𝘀 𝗖𝗼𝗿𝗰𝘂𝗲𝗿𝗮, gayundin ng kanilang mga itinalagang BHW’s.
Samantalang para sa mga senior citizens na may kapansanan, mga bed ridden at iba pang nahihirapang pumunta sa lugar ay isa-isang sinadya ng grupo upang personal na ihatid sa kanilang tahanan ang libreng gatas na bigay sa kanila ng Pamahalaang Lungsod.
Ayon sa ilang senior citizens na nakapanayam ng 𝗖𝗶𝘁𝘆 𝗜𝗻𝗳𝗼𝗿𝗺𝗮𝘁𝗶𝗼𝗻 𝗢𝗳𝗳𝗶𝗰𝗲, kanilang ipinagpapasalamat ang ayudang kanilang natatanggap. Anila, bagaman ito’y maliit na halaga subalit malaking bagay para sa kanila na sila ay pinagmamalasakitan ng Pamahalaang Lungsod, sa pamumuno ni City Mayor Malou Flores-Morillo.
Si Kapitana Doris Corcuera ay nagpahayag din ng kanyang pasasalamat kay Mayor Morillo — sinabi niya na ang Sangguniang Barangay ng San Antonio ay palaging susuporta sa anumang programang ipapatupad ng kasalukuyang administrasyon, lalo na’t kung ito ay para sa ikabubuti ng kanilang mga ka-barangay na nangangailangan.
Tinitiyak ni City Mayor Malou Morillo na ang pamamahagi ng libreng gatas para sa mga senior citizens ay mapapatuloy habang siya ang Ina ng Lungsod dahil hangad niya na tiyaking naalagaan ang kalusugan ng mga Calapeñong Senior Citizens.
Ang lahat ng matatanda na residente ng Calapan na nasa edad 60 pataas at kasama sa listahan ng 𝗖𝗶𝘁𝘆 𝗦𝗼𝗰𝗶𝗮𝗹 𝗪𝗲𝗹𝗳𝗮𝗿𝗲 𝗮𝗻𝗱 𝗗𝗲𝘃𝗲𝗹𝗼𝗽𝗺𝗲𝗻𝘁 𝗗𝗲𝗽𝗮𝗿𝘁𝗺𝗲𝗻𝘁 ay apat na beses makakatanggap ng libreng gatas sa loob ng isang taon.