Mainit na sinalubong at tinanggap ng mga kawani ng Pamahalaang Lungsod sa New City Hall ang mga batang mag-aaral na mula sa 𝗕𝗿𝗴𝘆. 𝗖𝗮𝗺𝗶𝗹𝗺𝗶𝗹 𝗖𝗵𝗶𝗹𝗱 𝗗𝗲𝘃𝗲𝗹𝗼𝗽𝗺𝗲𝗻𝘁 𝗖𝗲𝗻𝘁𝗲𝗿, bilang bahagi ng pagsasagawa ng kanilang “𝑳𝒂𝒌𝒃𝒂𝒚-𝑨𝒓𝒂𝒍”, ngayong araw ng Huwebes, ika-4 ng Mayo.

Sa pangunguna ni 𝗠𝘀. 𝗠𝗮𝗿𝗶𝗳𝗲 𝗟𝗶𝗻𝗰𝗼𝗻𝗲𝘀 na isang CDC Teacher, 33 na mga batang mag-aaral, kasama ang kanilang magulang ang nakiisa sa gawaing ito, na inaasahang makatutulong para sa kanilang pag-unlad.

Samantala, naging katuwang ng mga bumisita sa Pamahalaang Lungsod ang City Tourism Office na pinamumunuan ni 𝗦𝘂𝗽𝗲𝗿𝘃𝗶𝘀𝗶𝗻𝗴 𝗧𝗼𝘂𝗿𝗶𝘀𝗺 𝗢𝗽𝗲𝗿𝗮𝘁𝗶𝗼𝗻𝘀 𝗢𝗳𝗳𝗶𝗰𝗲𝗿 𝗠𝗿. 𝗖𝗵𝗿𝗶𝘀𝘁𝗶𝗮𝗻 𝗘. 𝗚𝗮𝘂𝗱, kung saan ay ginabayan sila ni 𝗠𝗿. 𝗥𝗲𝘀𝘁𝗶𝘁𝘂𝘁𝗼 𝗚. 𝗖𝘂𝗲𝘁𝗼 na mula sa City Museum.

Naniniwala ang Pamahalaang Lungsod sa pangunguna ni 𝗖𝗶𝘁𝘆 𝗠𝗮𝘆𝗼𝗿 𝗠𝗮𝗿𝗶𝗹𝗼𝘂 𝗙𝗹𝗼𝗿𝗲𝘀-𝗠𝗼𝗿𝗶𝗹𝗹𝗼 na ang ganitong uri ng makabuluhang aktibidad ay daan tungo sa epektibong pagkatuto, at makapagbibigay ng magandang karanasan sa mga batang mag-aaral.