Mainit na sinalubong at tinanggap ng mga kawani ng Pamahalaang Lungsod sa Calapan City Hall ang mga batang mag-aaral kasama ang kani-kanilang mga magulang, gayundin ang Child Development Workers na mula sa 𝗣𝗮𝗸𝘆𝗮𝘀 𝗖𝗗𝗖, 𝗠𝗮𝗹𝗮𝗯𝗼 𝗖𝗗𝗖, 𝗣𝗼𝗯𝗹𝗮𝗰𝗶𝗼𝗻 𝗜𝗩 𝗖𝗗𝗖, 𝗠𝗮𝗯𝗶𝗻𝗶 𝗖𝗗𝗖, 𝗮𝘁 𝗩𝗶𝗰𝘁𝗼𝗿𝗶𝗮 𝗡𝗮𝘁𝗶𝗼𝗻𝗮𝗹 𝗖𝗵𝗶𝗹𝗱 𝗗𝗲𝘃𝗲𝗹𝗼𝗽𝗺𝗲𝗻𝘁 𝗖𝗲𝗻𝘁𝗲𝗿 (𝗩𝗡𝗖𝗗𝗖) Victoria, Oriental Mindoro, bilang bahagi ng pagsasagawa ng kanilang “𝑳𝒂𝒌𝒃𝒂𝒚 𝑨𝒓𝒂𝒍”, nitong ika-31 ng Marso.
Kabilang sa mga lugar na kanilang destinasyon ay ang Oriental Mindoro Heritage Museum, City Hall, Fire Station, Police Station, Bulusan Park, Calapan Pier, at ang isa sa mga Child Development Center sa Lungsod ng Calapan.
Sa pangunguna ni 𝗠𝗿. 𝗝𝗼𝗻𝗻𝗲𝗹 𝗛. 𝗠𝗮𝗴𝗹𝗮𝗹𝗮𝗻𝗴 na isang 𝗖𝗵𝗶𝗹𝗱 𝗗𝗲𝘃𝗲𝗹𝗼𝗽𝗺𝗲𝗻𝘁 𝗧𝗲𝗮𝗰𝗵𝗲𝗿, kasama ang apat na ibang pang mga Guro, mahigit sa (95) Siyamnapu’t limang mga batang mag-aaral, kasama ang kanilang magulang ang nakiisa sa gawaing ito, na maaaring makaapekto, para sa kanilang Holistic Development.
Naisakatuparan ang naging “Lakbay Aral” ng mga batang mag-aaral na mula sa Munisipalidad ng Victoria, kaagapay ang 𝗠𝘂𝗻𝗶𝗰𝗶𝗽𝗮𝗹 𝗦𝗼𝗰𝗶𝗮𝗹 𝗪𝗲𝗹𝗳𝗮𝗿𝗲 𝗮𝗻𝗱 𝗗𝗲𝘃𝗲𝗹𝗼𝗽𝗺𝗲𝗻𝘁 𝗢𝗳𝗳𝗶𝗰𝗲, at 𝗘𝗮𝗿𝗹𝘆 𝗖𝗵𝗶𝗹𝗱𝗵𝗼𝗼𝗱 𝗖𝗮𝗿𝗲 𝗮𝗻𝗱 𝗗𝗲𝘃𝗲𝗹𝗼𝗽𝗺𝗲𝗻𝘁 (𝗘𝗖𝗖𝗗) 𝗖𝗼𝘂𝗻𝗰𝗶𝗹.
Samantala, naging katuwang ng mga bumisita sa Pamahalaang Lungsod ang 𝗖𝗶𝘁𝘆 𝗧𝗼𝘂𝗿𝗶𝘀𝗺 𝗢𝗳𝗳𝗶𝗰𝗲 na pinamumunuan ni 𝗖𝗶𝘁𝘆 𝗧𝗼𝘂𝗿𝗶𝘀𝗺 𝗢𝗳𝗳𝗶𝗰𝗲𝗿 𝗠𝗿. 𝗖𝗵𝗿𝗶𝘀𝘁𝗶𝗮𝗻 𝗘. 𝗚𝗮𝘂𝗱, kung saan ay ginabayan sila ni 𝗠𝗿. 𝗥𝗲𝘀𝘁𝗶𝘁𝘂𝘁𝗼 𝗚. 𝗖𝘂𝗲𝘁𝗼 na mula sa City Museum.
Naniniwala ang Pamahalaang Lungsod sa pangunguna ni 𝗖𝗶𝘁𝘆 𝗠𝗮𝘆𝗼𝗿 𝗠𝗮𝗿𝗶𝗹𝗼𝘂 𝗙𝗹𝗼𝗿𝗲𝘀-𝗠𝗼𝗿𝗶𝗹𝗹𝗼 na ang ganitong uri ng makabuluhang aktibidad ay daan tungo sa epektibong pagkatuto, at makapagbibigay ng magandang karanasan sa mga batang mag-aaral.



















