Memorandum of Agreement, Matagumpay na naisagawa ang paglagda

Matagumpay na naisagawa ang paglagda sa isang “Memorandum of Agreement”, sa pagitan ng Department of Agriculture – Philippine Center for Postharvest Development and Mechanization at Pamahalaang Lungsod

ng Calapan, sa pamumuno ni City Mayor Marilou Flores-Morillo, ginanap sa Calapan City Hall, Office of the City Mayor, nitong ika-23 ng Enero. Sinasaklaw ng nasabing kasunduang ito ang pagpapatupad ng proyektong pinamagatang “Rice Competitiveness Enhancement Fund – Mechanization Component” para sa Lungsod ng Calapan, kung saan nakapaloob sa nasabing kasunduan ang mga tungkulin at responsibilidad ng magkabilang panig sa pagsasakatuparan ng nabanggit na proyektong pang-agrikultura. Sa pamamagitan ng mga ganitong hakbang, inaasahan na patuloy na masisilayan at mararamdaman ng mga Calapeno ang malakas na pag-arangkada ng kaunlarang hatid ng sektor sa agrikultura sa lungsod sa tulong ng mga suportang ibinibigay ng pamahalaan. Samantala, ang naturang aktibidad ay dinaluhan ng kinatawan DA-PhilMech na si Engr. Jean Marie S. Alido, kung saan sinaksihan ito nina City Administrator, City Legal Officer, Atty. Rey Daniel S. Acedillo, at CASD Focal Person, Engr. Jasper B. Adriatico.


Deprecated: str_replace(): Passing null to parameter #3 ($subject) of type array|string is deprecated in C:\inetpub\vhosts\cityofcalapan.ph\cityofcalapan.gov.ph\wp-content\plugins\accordions\includes\functions.php on line 791