Isang pagpupulong sa pagitan ng Regional Evaluation Team at ng City Nutrition Committee Members at Federation of Barangay Nutrition School ars ang isinagawa sa Executive Building Main Conference Hall, Oktubre 18, 2022.
Dinaluhan ito ni City Mayor Malou Flores-Morillo bilang siyang Chairperson ng Calapan City Nutrition Committee at ilan pang miyembro ng komite.
Kasama naman sa Regional Nutrition Evaluation Team sina Ms. Ma. Eileen Blanco, Regional Nutrition Program Coordinator/OIC Regional Nutrition Council MIMAROPA, Ms. Bianca Estrella,NNC MIMAROPA-Nutrition Officer II, Ms. Chara Eje,NEDA MIMAROPA MiMaRoPa, Ms. Ruby Oncita,DAR MIMAROPA at Jonathan Torio mula sa DBM.
Sa loob ng tatlong magkakasunod na araw ay gagawin ang desk evaluation and feed backing para sa 2021 Nutrition Program Accomplishment ng Lungsod ng Calapan.
Ang Monitoring and Evaluation for Local Level Implementation (MELPPI) PRO for Local Government Unit ay naglalayong sukatin kung gaano ka-epektibo ang mga Lokal na Pamahalaan sa pagpaplano at pagpapatupad ng Nutrition Programs and Services partikular sa mga sanggol, mga bata at mga nanay.
Ang mga LGU na makakakuha ng mataas na grado base sa pagtatasa ay kikilalanin sa Regional Nutrition Awarding Ceremony sa darating na Nobyembre 29, 2022.
Matatandaang sa mga taong 2017, 2018 at 2019 ay nakuha ng Calapan City ang ‘Green Banner Award’ at ang pagiging CROWN Awardee rin noong 2019.
Subalit noong 2020 ay hindi napanatili ng lungsod ang CROWN Award kung kaya naman ninanais ng City Health and Sanitation Department-Nutrition Division sa pamumuno ni Ms. Glenda Raquepo na muling makuha ang Green Banner Award patungo sa mas mataas pang pagkilala sa Nutrition Programs and Services na ipinatutupad pati na ang pagiging ‘Outstanding BNS of the Year’.
Buo naman ang paniniwala ni Mayor Morillo na muling masusungkit ng Calapan City ang mga nasabing parangal. Higit sa mga pagkilala sa larangan ng nutrisyon ay ginagawa ng kanyang administrasyon ang mga kapamaraanan upang maibigay ang mabuting kalusugan para sa kanyang minamahal na mga kababayan.


