Pinangunahan ni 𝗖𝗶𝘁𝘆 𝗠𝗮𝘆𝗼𝗿 𝗠𝗮𝗿𝗶𝗹𝗼𝘂 𝗙𝗹𝗼𝗿𝗲𝘀-𝗠𝗼𝗿𝗶𝗹𝗹𝗼 ang isinagawang pagpupulong, kaugnay sa “𝗦𝘂𝘀𝘁𝗮𝗶𝗻𝗮𝗯𝗹𝗲 𝗠𝗮𝗻𝗮𝗴𝗲𝗺𝗲𝗻𝘁 𝗮𝗻𝗱 𝗖𝗼𝗻𝘀𝗲𝗿𝘃𝗮𝘁𝗶𝗼𝗻 𝗼𝗳 𝗙𝗼𝗿𝗲𝘀𝘁 𝗘𝗰𝗼𝘀𝘆𝘀𝘁𝗲𝗺” na ginanap sa Brgy. Guinobatan, City Government of Calapan, Executive Conference Room, nitong araw ng Huwebes, ika-13 ng Abril.

Kasama sa aktibidad na ito sina 𝗚𝗖𝗣 𝗖𝗼𝗻𝘀𝘂𝗹𝘁𝗮𝗻𝘁 𝗠𝗿. 𝗢𝗿𝗹𝗮𝗻𝗱𝗼 𝗔. 𝗠𝗮𝗹𝗶𝘄𝗮𝗻𝗮𝗴, 𝗖𝗶𝘁𝘆 𝗘𝗡𝗥𝗢 𝗠𝗿. 𝗪𝗶𝗹𝗳𝗿𝗲𝗱𝗼 𝗚. 𝗟𝗮𝗻𝗱𝗶𝗰𝗵𝗼, 𝗢𝗜𝗖, 𝗙𝗶𝘀𝗵𝗲𝗿𝗶𝗲𝘀 𝗠𝗮𝗻𝗮𝗴𝗲𝗺𝗲𝗻𝘁 𝗢𝗳𝗳𝗶𝗰𝗲 𝗠𝗿. 𝗥𝗼𝗯𝗶𝗻 𝗩𝗶𝗹𝗹𝗮𝘀, at 𝗗𝗘𝗡𝗥 – 𝗘𝗡𝗥𝗢 𝗠𝗿. 𝗥𝗼𝗱𝗲𝗹 𝗕𝗼𝘆𝗹𝗲𝘀.

Binigyang pansin at isinagawa sa aktibidad na ito ang tungkol sa mga sumusunod: 𝑷𝒓𝒆𝒔𝒆𝒏𝒕𝒂𝒕𝒊𝒐𝒏 𝒐𝒇 𝑪𝒂𝒍𝒖𝒂𝒏𝒈𝒂𝒏 𝑳𝒂𝒌𝒆, 𝑪𝑺𝑹 𝒂𝒏𝒅 𝒊𝒕𝒔 𝒎𝒂𝒏𝒅𝒂𝒕𝒆𝒔, 𝑪𝒐𝒍𝒍𝒂𝒃𝒐𝒓𝒂𝒕𝒊𝒐𝒏 𝒘𝒊𝒕𝒉 𝒕𝒉𝒆 𝒔𝒆𝒍𝒆𝒄𝒕𝒆𝒅 𝒑𝒓𝒐𝒋𝒆𝒄𝒕 𝒑𝒓𝒐𝒑𝒐𝒔𝒆𝒅 𝒂𝒏𝒅 𝑨𝒅𝒐𝒑𝒕-𝑨𝒏-𝑬𝒄𝒐𝒔𝒚𝒔𝒕𝒆𝒎 𝒊𝒎𝒑𝒍𝒆𝒎𝒆𝒏𝒕𝒂𝒕𝒊𝒐𝒏, at 𝑶𝒑𝒆𝒏 𝑭𝒐𝒓𝒖𝒎.

Naging bahagi rin sa gawaing ito ang PNX Calapan Depot, Neo Calapan Realty Corp., DMCI Power Corp., DENR-PENRO, Isuzu Calapan – Mina De Oro Motors Inc., FMO, GCP-Office of the City Mayor, DENR-CENRO Socorro, at Malapote Rice Mill na inaasahang magiging kaagapay at katuwang ng Pamahalaang Lungsod sa mga proyekto at programang may kinalaman sa pangangalaga sa Inang kalikasan.

Para sa butihing Punong Lungsod, napakahalaga na nabibigyang pansin ng bawat indibidwal at maging ng iba’t ibang organisasyon at samahan sa Lungsod ang pangangalaga at pagprotekta sa kalikasan sa pamamagitan ng sama-samang pagkilos, tungo sa hinahangad na luntiang Calapan.