Matagumpay na naisagawa, ika-26 ng Hunyo ang isang Medical Mission sa Brgy. Nag-Iba,
na naging posible at pinangunahan ng Pamahalaang Lungsod sa pamamagitan ni Calapan City Mayor Marilou Flores- Morillo, Team Jesus – Mighty Men and Women Online, Konsehala Aboganda, Atty. Jel Magsuci, Calapan City Doctors, City Dentist, City Nurse, Doctor Shiela Aranas, CG PO1 Jovie Talaver, 2LT Edy Heart Andaloc, Pastor Milan Aranas, Serbisyong TAMA Center, Punong Barangay ng Nag-Iba I at II, at ilan pang volunteers, na idinaos para sa mga residente ng nasabing barangay at karatig lugar nito.
Mahigit 300 taumbayan ang nakinabang at naging benepisyaryo ng nasabing libreng serbisyong medikal at pangkalusugan na isinagawa.
Ilan lamang sa serbisyong naibahagi sa mga mamamayan ay ang dental health care, medical check up, tuli, eyeglasses para kina lolo at lola, at libreng mga gamot at bitamina.
Laking pasasalamat naman ng mga benepisyaryo sa natamo nilang biyaya mula sa Ina ng Lungsod at sa mga naging katuwang nito.
BIYAYA SA BARANGAY, HINDI LIMITADO PAGDATING KAY MAYOR MARILOU!