MEDICAL MISSION (DAY 1)

Matagumpay po na isinagawa kahapon ang isang medical mission sa Barangay Wawa, sa pangunguna ng Team Jesus – Mighty Men & Women Online, katuwang ang Pamahalaang Lungsod ng Calapan.

Mahigit 100 po na mga Calapeno ang nabigyan ng libreng serbisyo, kabilang ang medical at dental consultation, mga salamin para sa mga seniorss, pamamahagi ng mga gamot at bitamina, at marami pa pong iba. Ang Calapan LGU po ay patuloy na magbibigay ng ganitong uri ng serbisyo at makikipag-partner sa iba’t ibang organisasyon bilang bahagi ng adbokasiya natin na mapanatiling malusog at masigla ang bawat Calapeno.