𝑺𝒑𝒓𝒆𝒂𝒅𝒊𝒏𝒈 𝒌𝒊𝒏𝒅𝒏𝒆𝒔𝒔, 𝒐𝒏𝒆 𝒎𝒆𝒂𝒍 𝒂𝒕 𝒂 𝒕𝒊𝒎𝒆.
Bilang tulong sa mga naapektuhan ng oil spillages sa Lungsod ng Calapan, naghandog ang 𝗠𝗰𝗗𝗼𝗻𝗮𝗹𝗱’𝘀 𝗣𝗵𝗶𝗹𝗶𝗽𝗽𝗶𝗻𝗲𝘀, sa pamamagitan ng kanilang 𝗞𝗶𝗻𝗱𝗻𝗲𝘀𝘀 𝗞𝗶𝘁𝗰𝗵𝗲𝗻, ng mga McDo Meals sa 𝟭,𝟱𝟬𝟬 residente ng 𝗕𝗿𝗴𝘆. 𝗡𝗮𝘃𝗼𝘁𝗮𝘀, ika-30 ng Marso.
Sa kanilang pagbisita sa Brgy. Navotas, layunin nila ang makapagbigay ng saya sa mga residente upang maibsan kahit papaano ang problemang dala ng oil spill sa kanilang komunidad.
Naghanda din ang McDonald’s Roxas Drive at Camilmil Branch ng mga palaro para mapangiti ang mga bata at pati na rin sa mga matatanda.
Naging posible naman ang gawain sa tulong na rin ng Pamahalaang Lungsod sa pamamagitan ng 𝗦𝗲𝗿𝗯𝗶𝘀𝘆𝗼𝗻𝗴 𝗧𝗔𝗠𝗔 𝗣𝗿𝗼𝗴𝗿𝗮𝗺, 𝗖𝗶𝘁𝘆 𝗦𝗼𝗰𝗶𝗮𝗹 𝗪𝗲𝗹𝗳𝗮𝗿𝗲 𝗮𝗻𝗱 𝗗𝗲𝘃𝗲𝗹𝗼𝗽𝗺𝗲𝗻𝘁, 𝗖𝗶𝘁𝘆 𝗧𝗼𝘂𝗿𝗶𝘀𝗺, 𝗖𝘂𝗹𝘁𝘂𝗿𝗲 𝗮𝗻𝗱 𝗔𝗿𝘁𝘀 𝗢𝗳𝗳𝗶𝗰𝗲, at 𝗖𝗶𝘁𝘆 𝗗𝗶𝘀𝗮𝘀𝘁𝗲𝗿 𝗥𝗶𝘀𝗸 𝗥𝗲𝗱𝘂𝗰𝘁𝗶𝗼𝗻 𝗮𝗻𝗱 𝗠𝗮𝗻𝗮𝗴𝗲𝗺𝗲𝗻𝘁 𝗗𝗲𝗽𝗮𝗿𝘁𝗺𝗲𝗻𝘁.




























