Inaugural Speech
AKSYON AGAD II: MAAYOS NA BAYAN SIGURADO
Inaugural Speech of the City Mayor of Calapan
A decade and 8 years ago, on this very same day, this representation took his oath as the 3rd City Mayor of Calapan bringing about his advocacy AKSYON AGAD as a brand of governance! Humbly earning small and big victories, he was re-elected for the 2nd time in 2010 but did not pursue a 3rd term as he was destined to travel a different path of leadership as 3-term Congressman of the 1st District of Oriental Mindoro.
18 years after 2007, may MagBabalik Serbisyo sa Lungsod ng Calapan! On this very day which coincides with the 13th birthday of my beautiful daughter, Cyan– Yours Truly, just took his Oath of Office, effectively for the 3rd time as a comebacking City Mayor of Calapan.
Cong. Arnan Panaligan, Cong. PA Umali, Vice Governor Jojo Perez, Members of the Provincial Board of Oriental Mindoro- Bong Brucal, Jocy Neria, Pau Umali and special mention to my wife of course, Board Member RL LEACHON, VICE MAYOR BIM IGNACIO, to all the new members of the City Council, city department heads and national officials, barangay leaders, civic organizations, and every Calapeño present here today, MAGANDANG UMAGA PO SA INYONG LAHAT!
To the great men and women in this hall and those watching live, THIS ADDRESS would not be possible and cannot proceed without saying this —thank you for your trust, support, and presence.
Specifically, for those people who firmly stood beside me for 15 months in a grueling campaign since I decided to return to City Leadership in February of last year, sa aking pamilya, sa aking maybahay na si Bokal RL whom I can say is a better politician than me, barangay leaders especially the Ka-Tropang Kapitans, barangay, women, M16 and youth clusters, the dedicated and strong MBS staff, to the 33,000 card bearing MBS members, sa lahat ng sektor na walang sawang sumoporta, sa ating campaign manager na ngayon ay ating City Administrator Bobie Navarro, of course, Cong. Arnan—ang salitang SALAMAT, BAGAMAN AY KULANG AY UULIT-ULITIN KONG BIGKASIN, MARAMING MARAMING SALAMAT!
Ang ating pagbabalik ay HINDI MAHIRAP, pero DI KO NAMAN SINASABI NA ITO AY MADALI. 15 MONTHS AGO, I was hesitant of running and retuning to politics not because I don’t want it. Of course, I do. Being your 2-term City Mayor and 3-term Congressman will always be treasured as the best years of my life as I was able and became somehow instrumental in bringing positive changes in our province and in effecting and making difference in the lives of our people. I know you felt those things and we are proud for making those things happened. PROUD TAYO SA ATING NAGING PAGLILINGKOD.
Kaya lang, when I was given the chance to be back in my private life, nakaramdam naman ako ng kakaibang saya sa pribadong pamamahinga kasama ang pamilya. I terribly missed my family. Malayo sa demanding at kumplikadong mundo ng serbisyo publiko. Ang pakiramdam ko ay sapat na rin naman ang 5 termino ng maayos na paglilingkod. Nakaramdam din ng pagod dahil bata pa tayo nagsimula na Mayor sa edad na 32.
But honestly, this return is not about me.
Sa ating pagbabalik at pulitika, may mga kaibigang nawala, mga kaibigang mahal at mahalaga. Ganun nga siguro ang patuloy na paglalakbay, may mawawala pero may makilala ka na bago at magiging mas tunay na kasama.
But again, this return is not about what I feel and about my emotions.
Ang kampanya pati ngayon ay laking iba na kesa sa mga nakalipas na panahon. Mas kumplikado, mas demanding, mas nakakababa ng moralidad ng pamayanan na ang tingin sa bawat botante ay pera pera lang. Nananaig pa din naman ang mayorya na tumitingin sa nangyayari sa paligid at track record ng mga kandidato. That people still discern deeper who you are as a public servant. But the fact remains, this recent political exercise might be the most expensive election in the City.
Yet, this return is not merely about politics and politicking.
This is not about me, this is not about Doy. This is about those people who never stopped believing that there is still room for good governance in the City. Pamamahalang walang hinagpis at sumbat kundi pamahalaang may dalang buhay na pag-asa at saya dahil ang pangako ng serbisyo ay di lamang salita kundi gagawin ng pamahalaang may direksyon at malinaw na resulta para sa ating mga kababayan.
Bakit ko po nasabi ito? Dahil 54 sa 62 barangays po ng Calapan ang ating napanalunan o 87% ng Lungsod ang naniwala sa pangako ng isang Maayos na Bayan Sigurado!
Bakit tayo nanumpa kay Brgy. Guinobatan Captain Pedro ‘Dayo’ Ylagan, Jr.? Una, dahil ang City Hall po ay nasa Guinobatan at pangalawa, may 900 boto po ang kalamangan natin na-register sa Brgy. Guinobatan.
Ngayon po ay isang makasaysayang araw. This is not just the start of a new administration, but a fresh beginning for our entire city—a renewed hope, a renewed purpose, and a renewed commitment to public service.
We are still young City. Susceptible to vital livability issues. Marami di makapag-aral pero mababa ang scholarship grants ng pamahalaan lalo na sa nag-aaral sa private schools. Kabi-Kabila ang texts sakin mula pa noong naproklama tayo na City Mayor na wala silang trabaho. Lumalaki ang lungsod at dumarami ang walang disenteng bahay. Walang kaayusan, maruming kapaligiran, lumalalang problema sa trapiko at di maayos na koleksyon ng basura. Magulo at dugyot na Pamilihang Lungsod. Kakulangan ng barangay development programs. At hati-hating sektor sa ating Lungsod.
For everywhere we look, there is work to be done. Time to stop these childish things. Time to pick ourselves up, dust ourselves off and let us all work together in remaking again the City of Calapan.
This is time for our return, a revitalized return calling for bold and swift actions. Kaya dapat AKSYON AGAD II.
Para sa “Maayos na Bayan, Sigurado.” A clean, orderly, disciplined, and progressive Calapan is not just a dream —- it is a goal we will achieve together.
TO ACHIEVE THIS, THE 10TH SANGGUNIANG PANLUNGSOD LED BY VICE MAYOR BIM IGNACIO will be in the forefront as active and vital partner in realizing these goals. Embracing the Aksyon Agad norm, and thank you for this, they have their commitment “NA BUKAS NA BUKAS RIN SA KANILANG INAUGURAL SESSION, AY IPAPASA NA NILA ANG CALAPAN GENERAL APPROPRIATION ORDINANCE O ANNUAL BUDGET PARA SA TAONG ITO”. Bukod dito, pati ang Supplemental Budget #1 ay maipapasa rin nila sa isang Linggo. Ang mga budget na ito ang kumakatawan at sasalamin sa isang direksyon ng pamamahalang AKSYON AGAD tungo sa isang maayos, maunlad at maipagmamalaking Lungsod na may Calapeño at kanyang pamilyang natutugunan ang payak na pangangailangan tungo sa maligayang pamumuhay dahil ang Calapan ay magiging MAAYOS NA BAYAN, SIGURADO!
EDUKASYON: Tulong para sa Kinabukasan. We believe in empowering our youth through education. As the greatest equalizer as I always say na baka gasgas na sa pandinig nyo, pero katagang naging tanging pundasyon ko para itatag ang City College of Calapan noong 2008 sa aking unang termino bilang City Mayor. Mayron tayong almost 2,000 na college scholars ngayon sa City College at meron din sa private schools. Pero dahil ibinababa ang scholarship grant ng city government sa 5k, 10k or 15k, di naging readily accessible ang college education para sa KABATAANG CALAPEÑO lalo na sa mga kapus-palad.
Ayoko na di nag-aaral ang mga anak ninyo. Kaya simula ngayong buwan ng Hulyo, magdadagdag tayo ng 500 scholars pa at gagawin na nating 25k ang scholarship grant at yan ang kasama sa pondong ipapasa bukas ng ating Sangguniang Panlungsod. We will strengthen our city scholarship program. Ito po ay puhunan sa kinabukasan—because when we invest in education, we invest in progress.
KALUSUGAN: Dati sa Orange Card, tulong sa hospital bills noong 2007. Sa Orange Card Plus ngayon, kasama na ang Libreng Gamot para sa mga Calapeño. Nagdagdag tayo ng 30 Million para sa susunod na 6 bwan para maisakatuparan ang programang ito.
We are committed to a healthy Calapan. Palalakasin natin ang mga barangay health centers at maglalaan ng libreng gamot para sa mga senior citizens, persons with disabilities, at mga kapus-palad. Healthcare should not be a privilege, but a right for all.
PABAHAY: Disenteng Tirahan, Ligtas na Pamumuhay
Isang lungsod na maayos ang pamumuhay ay may tahanang matatag. Kaya’t sisimulan na natin ang pabahay programs para sa 3,000 mga pamilyang walang sariling bahay.
We will build safe, affordable, and livable housing communities—because every family deserves a place they can truly call home.
KAAYUSAN AT DISIPLINA: Haligi ng Maunlad na Bayan. We will promote a culture of discipline and order. Magtutulungan tayo—local government, barangays, schools, and law enforcers—upang pairalin ang disiplina sa lansangan, sa tahanan at sa pamayanan.
Ang lungsod na disiplinado, siguradong aasenso.
TURISMO: Ganda ng Calapan, Ipagmamalaki Natin
Calapan is rich in culture, history, and nature. We will boost local tourism by promoting Kalap and Sto. Nino De Calapan festivals, upgrading roads and facilities, and supporting small businesses. Naglagay tayo ng pondo para dito para sa Calapan Unique Food Caravan, 3 Mardigras ng taon- ang Kalap Mardigras, Mardigras sa Undas at Sto. Nino de Calapan Mardigras. We will enhance promotion of Discipline as tourism. We will make the City as the events center for the entire region of MIMAROPA. Major innovations will also be made like revitalizing the Gem of Calaungan Lake, among others.
Sa pamamagitan ng turismo, we can open doors for more jobs and opportunities. Dahil ang commitment natin sa Calapeno, 1,000 trabaho kada taon ang mabibigay natin sa kanila. Mula sa oportunidad at stratehiya na gagawin natin. Di trabaho sa loob ng City Hall.
IMPRASAKTURA: Pag-unlad na Ramdam sa 1st 100 days
- Pag-unlad ay dapat maramdaman hanggang sa pinakamalayong barangay. Nasa 50 barangays na tig 3 Million bawat isa ang pinondohan ng Sangguniang Panlungsod para isakatuparan ngayong 1st 100 days ng ating panunungkulan.
Walang barangay ang maiiwan. Kahit kalaban.
- Gagawin natin ang rehab at new expansion ng Batino Dumpsite sa halagang 8M
- Gagawin na parang bagong muli at mabango, pinturado ang Calapan City Public Market at di na dugyot, papalitan ang sirang tiles, aayusin ang baradong drainage, butas na bubong at gagana na muli ang escalator. Ito ay may halagang 23 Million.
- Gagana na po ulit lahat ng traffic lights sa syudad, pinturado at lilinisin lahat ng bangketa, pedestrian lanes, waiting sheds sa buong central business district mula Pier hanggang Brgy. Tawiran.
- Para maibsan ang traffic dahil sa ginagawa ng paradahan ang mga kalsada, magtatayo ng Calapan City Multi-Level Parking sa tabi Public Market.
- At tatapusin na po natin ang Phase 2 at Completion ng Calapan City Coliseum na ipinatayo ni Cong. Arnan para magamit sa local and national cultural at sports events.
SECTORAL DEVELOPMENT: Sama-Samang Pag-Asenso
We will support all sectors—TODA & transport sector, farmers, fisherfolk, women, youth, PWDs, senior citizens, LGBT and microentrepreneurs. Lahat ay nilagyan ng pondo para sa inyong mga personal, grupo at pangkabuhayang pangangailangan.
Lahat ay may boses, lahat ay may halaga, at lahat ay kasali sa pag-unlad ng lungsod.
GOOD GOVERNANCE: Tapat, Bukas, at Maka-Mamamayan
Ang mga nabanggit ay ilan lamang sa roadmap ng Serbisyong MBS. But Good governance will be the heart of this administration. Gagawin natin isang pamahalaang tapat at may accountability. Pamamahala na may direksyon at may resulta. Ibabalik ang ISO Certified City Hall Governance at ang pagiging No. 1 Most Business Friendly City ng Calapan sa buong Pilipinas. Every project will be felt by the people.
POLICY STATEMENTS ON PUBLIC ISSUES:
Una, inuulit po natin, Sa Calapan Bawal ang Minahan. No to Sand Mining po ang stand natin mula ngayong araw na ito. Wala pong Dredging na mangyayari sa Calapan kung tunay na MOTIBO AY MALINAW NA PAGBEBENTA NG BUHANGIN PALABAS NG MINDORO sa anyong kunwaring programa na pagpuksa kuno ng pagbaha.
Pangalawa, hingil sa maraming hinaing at reklamo na lumapit satin kahit di pa tayo pormal na naupo bilang City Mayor patungkol sa lubhang mataas na presyo ng tubig na pataw ng Calapan Water. Tayo po ay personal na nakipag-ugnayan sa kanila dala ang pakiusap na kung puede ay ibaba nila ang singil sa ating mga water bills. Nasabi nila (1) na sa mahabang panahon ay di sila nagtaas ng rate (2) sila ay nagkaron ng lubha ring malaki development costs para sa maayos na serbisyo sa tubig, at (3) sila ay nabigyan ng permit at otorisado na ng NWRB. Ganunpaman, natapos ang ating usapan at tayo ay naghahatid ng pasasalamat sa pamunuan na Calapan Water, dahil sila ay pumayag na kanilang ibababa ang kanilang water rate increase sa susunod na buwan.
Sa Pagtatapos, mga mahal kong kababayan, taos-pusong pasasalamat pa rin sa inyong overwhelming na suporta. I can truly feel the trust and acceptance. Alam ko at ramdam ko na mahal nyo ako. I will never fail you.
This victory is a product of your combined efforts, and more importantly, it is founded on MBS Performance. It is not really about Doy, but it is really about what we accomplished during my 2 terms as City Mayor and during the 3 terms that I was your Congressman.
I am excited to work again, with the help of the Lord above, city department heads and officials, brgy officials and significantly, with the members of the Sangguniang Panlungsod led by the ever amiable and able Vice Mayor BIM IGNACIO. Let me assure everyone in the City: Doy is returning with grounded and achievable programs.
Let us work together. Not lip service only. At the end of the day, in the years ahead, change and results will come. WE WILL BE PROUD THAT WE NEVER FAILED AND NEVER MADE A MISTAKE IN COMING TOGETHER AS ONE TO MAKE ALL THINGS POSSIBLE.
Dahil ang patuloy na pagbabago at kaunlaran ay abot-kamay lang, Samahan nyo akong muli, Aksyon Agad. Dahil ang Calapan, magiging “Maayos na Bayan, Sigurado!”
Maraming salamat po! GOD BLESS CITY OF CALAPAN!