Bilang lider na sinusulong ang pagiging ganap na Luntiang Lungsod ng Calapan, dinaluhan ni 𝗖𝗶𝘁𝘆 𝗠𝗮𝘆𝗼𝗿 𝗠𝗮𝗿𝗶𝗹𝗼𝘂 𝗙𝗹𝗼𝗿𝗲𝘀-𝗠𝗼𝗿𝗶𝗹𝗹𝗼 ang 𝗕𝗮𝗺𝗯𝗼𝗼 𝗩𝗼𝗹𝘂𝗻𝘁𝗲𝗲𝗿 𝗗𝗮𝘆 na ginanap sa Canubing I, ika-1 ng Mayo.
Mula sa City Pavilion ay nag-motorcade ang mahigit 60 volunteers patungo sa Canubing 1 at isinagawa din ang pagtatanim ng mga Giant Bamboo seedlings sa paligid ng Caluangan Lake.
Nagkaroon din sila ng isang open forum at panel discussion tungkol sa kahalagahan ng pagkakaroon ng mga kawayan at kung ano pa ang magagawa ng mga tao upang mapangalagaan ang kalikasan.
“𝑨𝒏𝒈 𝒑𝒂𝒈-𝒂𝒂𝒍𝒂𝒈𝒂 𝒔𝒂 𝒌𝒂𝒍𝒊𝒌𝒂𝒔𝒂𝒏 𝒂𝒚 𝒅𝒂𝒑𝒂𝒕 𝒎𝒂𝒈𝒔𝒊𝒎𝒖𝒍𝒂 𝒔𝒂 𝒍𝒐𝒐𝒃 𝒏𝒈 𝒂𝒕𝒊𝒏𝒈 𝒕𝒂𝒉𝒂𝒏𝒂𝒏,” iyan ang iniwang mensahe ni Mayor Morillo.
Lubos na nagpasalamat si Mayor Morillo sa mga volunteers na talagang aktibo pagdating sa mga gawaing pangkalikasan.
Aniya, ang mga ganitong gawain ay para sa kalikasan, at para sa mga susunod na henerasyon – upang makita nila ang ganda ng isang luntiang paligid.
Naging matagumpay naman ang gawain sa pagtutulungan at pakikilahok ng 𝗣𝗿𝗼𝘃𝗶𝗻𝗰𝗶𝗮𝗹 𝗚𝗼𝘃𝗲𝗿𝗻𝗺𝗲𝗻𝘁 𝗼𝗳 𝗢𝗿𝗶𝗲𝗻𝘁𝗮𝗹 𝗠𝗶𝗻𝗱𝗼𝗿𝗼, 𝗖𝗶𝘁𝘆 𝗚𝗼𝘃𝗲𝗿𝗻𝗺𝗲𝗻𝘁 𝗼𝗳 𝗖𝗮𝗹𝗮𝗽𝗮𝗻, 𝗢𝘃𝗲𝗿𝘀𝗲𝗮𝘀 𝗪𝗼𝗿𝗸𝗲𝗿𝘀 𝗪𝗲𝗹𝗳𝗮𝗿𝗲 𝗔𝗱𝗺𝗶𝗻𝗶𝘀𝘁𝗿𝗮𝘁𝗶𝗼𝗻, 𝗨𝗻𝗶𝘃𝗲𝗿𝘀𝗶𝘁𝘆 𝗼𝗳 𝗕𝗮𝘁𝗮𝗻𝗴𝗮𝘀 𝗚𝗿𝗮𝗱𝘂𝗮𝘁𝗲 𝗦𝗰𝗵𝗼𝗼𝗹, 𝗚𝗿𝗲𝗲𝗻𝗹𝗮𝗻𝗱 𝗚𝗿𝗮𝗰𝗶𝗮𝘀 𝗩𝗼𝗹𝘂𝗻𝘁𝗲𝗲𝗿𝘀, 𝗕𝗮𝗺𝗯𝗼𝗼 𝗪𝗮𝗿𝗿𝗶𝗼𝗿𝘀 𝗣𝗵𝗶𝗹𝗶𝗽𝗽𝗶𝗻𝗲𝘀, at 𝗔𝗹𝗹𝗶𝗮𝗻𝗰𝗲 𝗼𝗳 𝗦𝘁𝗮𝗸𝗲𝗵𝗼𝗹𝗱𝗲𝗿𝘀 𝗳𝗼𝗿 𝗦𝘂𝗳𝗳𝗶𝗰𝗶𝗲𝗻𝘁 𝗮𝗻𝗱 𝗔𝗳𝗳𝗼𝗿𝗱𝗮𝗯𝗹𝗲 𝗣𝗼𝘄𝗲𝗿.
















