Ika-2 ng Pebrero, nagtungo si City Mayor Marilou Flores-Morillo sa Barangay Managpi upang dumalo at makiisa sa pagpupulong ng Managpi Farmers Association. Pinangunahan ni G. Teodulo Macaraig na siyang Pangulo ng samahan ang nasabing pagpupulong kasama ang kaniyang mga opisyal.
Ibinahagi naman ni Mayor Morillo ang mga hakbang na ginagawa ng Pamahalaang Lungsod upang matulungan ang mga magsasaka. Gayundin, nilinaw niya na ang proseso ng Financial Assistance Distribution noong ika-1 ng Pebrero sa mga magsasaka ay inatas ng National Government at tumulong lamang ang Pamahalaang Lungsod sa pamamahagi.
Isa nga sa naging problema ay ang pagkakaroon ng mahinang internet connection na naging sanhi sa mabagal na proseso. Naging bukas din ang Punong Lungsod sa pagtanggap ng mga katanungan na agad naman niyang sinagot (Thea Marie J. Villadolid/CIO).







