Isa si City Mayor Marilou Flores-Morillo sa mga Punong Bayan na dumalo sa unang araw ng pagdiriwang ng ika-30 taong anibersyaryo ni Governor Bonz Dolor bilang isang Lingkod Bayan, ika-30 ng Enero sa Sentrong Pangkabataan.

Bahagi ng paggunita sa kaniyang anibersyaryo ay ibinahagi ang 153 sasakyan para sa Barangay Health Emergency Response Team (BHERT) at 7 Dam Trucks sa ilang mga barangay ng iba’t ibang munisipalidad.

Sa Lungsod ng Calapan, lima ang nabiyayaan ng sasakyan para sa kanilang BHERTs at kabilang na dito ang Barangay Masipit, Ibaba West, Calero, Lazareto, at Gulod. Gayundin, pinakita na sa lahat ang opisyal na sagisag ng Punong Lalawigan ng Oriental Mindoro (Thea Marie J. Villadolid/CIO).