“𝑻𝒉𝒊𝒔 𝒑𝒓𝒂𝒄𝒕𝒊𝒄𝒆 𝒐𝒇 𝒕𝒓𝒂𝒏𝒔𝒇𝒐𝒓𝒎𝒂𝒕𝒊𝒗𝒆 𝒆𝒅𝒖𝒄𝒂𝒕𝒊𝒐𝒏 𝒘𝒊𝒍𝒍 𝒑𝒓𝒆𝒑𝒂𝒓𝒆 𝒕𝒉𝒆 𝒈𝒓𝒂𝒅𝒖𝒂𝒕𝒆𝒔 [𝒔𝒕𝒖𝒅𝒆𝒏𝒕𝒔] 𝒕𝒐 𝒍𝒆𝒂𝒅 𝒂𝒏𝒅 𝒎𝒂𝒏𝒂𝒈𝒆 𝒕𝒉𝒆 𝒊𝒏𝒅𝒖𝒔𝒕𝒓𝒚 𝒂𝒏𝒅 𝒃𝒆𝒄𝒐𝒎𝒆 𝒈𝒍𝒐𝒃𝒂𝒍𝒍𝒚 𝒄𝒐𝒎𝒑𝒆𝒕𝒊𝒕𝒊𝒗𝒆 𝒑𝒓𝒐𝒇𝒆𝒔𝒔𝒊𝒐𝒏𝒂𝒍𝒔 𝒊𝒏 𝒕𝒉𝒆 𝒇𝒖𝒕𝒖𝒓𝒆.” — City Mayor Malou Morillo

Malugod na pinaunlakan ni 𝗖𝗶𝘁𝘆 𝗠𝗮𝘆𝗼𝗿 𝗠𝗮𝗿𝗶𝗹𝗼𝘂 𝗙𝗹𝗼𝗿𝗲𝘀-𝗠𝗼𝗿𝗶𝗹𝗹𝗼 ang imbitasyon sa kaniya na tunghayan ang pagsisimula ng 𝗜𝗻𝘁𝗲𝗿-𝗖𝗮𝗺𝗽𝘂𝘀 𝗖𝗼𝗻𝘃𝗲𝗻𝘁𝗶𝗼𝗻 𝗖𝗼𝗺𝗽𝗲𝘁𝗶𝘁𝗶𝗼𝗻 𝗮𝗻𝗱 𝗧𝗿𝗮𝗱𝗲𝘀𝗵𝗼𝘄 ng 𝗖𝗼𝗹𝗹𝗲𝗴𝗲 𝗼𝗳 𝗕𝘂𝘀𝗶𝗻𝗲𝘀𝘀 𝗮𝗻𝗱 𝗠𝗮𝗻𝗮𝗴𝗲𝗺𝗲𝗻𝘁 at 𝗦𝗸𝗶𝗹𝗹𝘀 𝗜𝗻𝗻𝗼𝘃𝗮𝘁𝗶𝗼𝗻 𝗮𝗻𝗱 𝗧𝗲𝗰𝗵𝗻𝗼𝗹𝗼𝗴𝘆 𝗘𝘅𝗵𝗶𝗯𝗶𝘁 ng 𝗕𝗮𝗰𝗵𝗲𝗹𝗼𝗿 𝗼𝗳 𝗧𝗲𝗰𝗵𝗻𝗶𝗰𝗮𝗹-𝗩𝗼𝗰𝗮𝘁𝗶𝗼𝗻𝗮𝗹 𝗧𝗲𝗮𝗰𝗵𝗲𝗿 𝗘𝗱𝘂𝗰𝗮𝘁𝗶𝗼𝗻 sa 𝗠𝗶𝗻𝗱𝗼𝗿𝗼 𝗦𝘁𝗮𝘁𝗲 𝗨𝗻𝗶𝘃𝗲𝗿𝘀𝗶𝘁𝘆 – 𝗖𝗮𝗹𝗮𝗽𝗮𝗻 𝗖𝗮𝗺𝗽𝘂𝘀, ika-7 ng Pebrero.

Pinangunahan ng CBM, partikular na ng 𝗜𝗖𝗖𝗔𝗧𝗵𝗹𝗼𝗻 𝗖𝗼𝗺𝗺𝗶𝘁𝘁𝗲𝗲 𝗖𝗵𝗮𝗶𝗿𝗽𝗲𝗿𝘀𝗼𝗻 para sa Tradeshow na si 𝗠𝘀. 𝗘𝗹𝗹𝘆𝘃𝗲𝗿 𝗧𝗼𝗹𝗲𝗻𝘁𝗶𝗻𝗼, ang programa kung saan tampok ang iba’t ibang mga produktong lokal at gawa mismo ng mga MinSUans.

Kasama sina 𝗖𝗮𝗺𝗽𝘂𝘀 𝗘𝘅𝗲𝗰𝘂𝘁𝗶𝘃𝗲 𝗗𝗶𝗿𝗲𝗰𝘁𝗼𝗿 𝗗𝗿. 𝗠𝗮. 𝗔𝗿𝗹𝘆𝗻 𝗠. 𝗥𝗲𝗱𝘂𝗯𝗹𝗼, 𝗗𝗲𝗮𝗻 𝗼𝗳 𝗖𝗕𝗠 𝗗𝗿. 𝗙𝗿𝗮𝗻𝗶𝗲 𝗠. 𝗔𝗳𝗮𝗯𝗹𝗲, 𝗜𝗖𝗖𝗔𝗧𝗛𝗟𝗢𝗡 𝟮𝟬𝟮𝟯 𝗖𝗼𝗺𝗺𝗶𝘁𝘁𝗲𝗲 sa pangunguna ng kanilang mga advisers na sina 𝗠𝗿. 𝗠𝗮𝗿𝘆 𝗔𝗻𝘁𝗼𝗻𝗲𝘁𝘁𝗲 𝗛. 𝗗𝘂𝗱𝗮𝘀, 𝗠𝗿. 𝗗𝗼𝗻𝗻𝗲 𝗙𝗲𝗿𝗻𝗮𝗻𝗱𝗼 𝗔. 𝗚𝘂𝗲𝗿𝗿𝗲𝗿𝗼, at 𝗠𝗿. 𝗕𝗶𝗹𝗹𝘆 𝗝𝗼𝘀𝗲𝗽𝗵 𝗖. 𝗔𝘁𝗶𝗲𝗻𝘇𝗮, at 𝗖𝗕𝗠 𝗙𝗮𝗰𝘂𝗹𝘁𝘆 ay pormal na isinagawa ang Ribbon Cutting Ceremony bilang hudyat ng pagbubukas ng ICCAThlon Tradeshow

Matapos ang programa ng CBM, inilibot naman siya ni 𝗠𝗿. 𝗠𝗮𝗿𝗶𝗼 𝗗𝗲 𝗖𝗮𝘀𝘁𝗿𝗼, 𝗝𝗿., 𝗕𝗧𝗩𝗧𝗘𝗗 𝗣𝗿𝗼𝗴𝗿𝗮𝗺 𝗛𝗲𝗮𝗱, sa SinTEC Exhibit kung saan tampok din ang iba’t ibang mga produkto ng mga mag-aaral mula sa Automotive, Drafting, Fashion and Garments Technology, Food and Service Management, Industrial Arts at Home Economics.

Naniniwala si Mayor Morillo na ang Mindoro State University ang nangungunang unibersidad na nagbibigay ng de kalidad na edukasyon sa lalawigan ng Oriental Mindoro kaya naman pinupuri niya ito sa isa na namang matagumpay na gawain.