𝑺𝒂 𝒑𝒂𝒈𝒔𝒊𝑺𝑰𝑲𝑨𝑷, 𝒂𝒌𝒐 𝒂𝒚 𝒖𝒖𝒏𝒍𝒂𝒅!
Upang makita ang aktwal na nagaganap sa 𝗦𝗜𝗞𝗔𝗣 o 𝗦𝗮𝗻𝗮𝘆𝗮𝗻 𝘀𝗮 𝗜𝗸𝗮𝘂𝘂𝗻𝗹𝗮𝗱 𝗻𝗴 𝗞𝗮𝗮𝗹𝗮𝗺𝗮𝗻𝗴 𝗣𝗮𝗻𝗴𝗸𝗮𝗯𝘂𝗵𝗮𝘆𝗮𝗻 𝗣𝗿𝗼𝗴𝗿𝗮𝗺, dinalaw ni 𝗖𝗶𝘁𝘆 𝗠𝗮𝘆𝗼𝗿 𝗠𝗮𝗿𝗶𝗹𝗼𝘂 𝗙𝗹𝗼𝗿𝗲𝘀-𝗠𝗼𝗿𝗶𝗹𝗹𝗼 ang mga benepisyaro sa Barangay Navotas, ika-13 ng Mayo.
Doon ay inabutan niya ang 25 trainees mula sa Navotas at Gutad na sumasailalim sa 𝑺𝒎𝒂𝒍𝒍 𝑬𝒏𝒈𝒊𝒏𝒆 𝑻𝒓𝒂𝒊𝒏𝒊𝒏𝒈.
Ikinatuwa ni Mayor Morillo na makita ang naging bunga ng pag-uugnayan ng Pamahalaang Lungsod, sa pamamagitan ng 𝗙𝗶𝘀𝗵𝗲𝗿𝗶𝗲𝘀 𝗠𝗮𝗻𝗮𝗴𝗲𝗺𝗲𝗻𝘁 𝗢𝗳𝗳𝗶𝗰𝗲, sa 𝗠𝗮𝗹𝗮𝗺𝗽𝗮𝘆𝗮 𝗙𝗼𝘂𝗻𝗱𝗮𝘁𝗶𝗼𝗻 na nanguna sa pagbibigay ng nasabing training para sa mga naapektuhan ng oil spill.
Katuwang naman ng Malampaya Foundation ang 𝗗𝗲𝗽𝗮𝗿𝘁𝗺𝗲𝗻𝘁 𝗼𝗳 𝗘𝗻𝗲𝗿𝗴𝘆, 𝗣𝗿𝗶𝗺𝗲 𝗘𝗻𝗲𝗿𝗴𝘆, 𝗨𝗖𝟯𝟴 𝗟𝗟𝗖, 𝗣𝗵𝗶𝗹𝗶𝗽𝗽𝗶𝗻𝗲 𝗡𝗮𝘁𝗶𝗼𝗻𝗮𝗹 𝗢𝗶𝗹 𝗖𝗼𝗺𝗽𝗮𝗻𝘆, at ang 𝗧𝗘𝗦𝗗𝗔 na nagpadala ng trainor sa pag-aayos ng mga small engine.
Layunin ng programa na makapagsanay ng mga mangingisda at manininda ng iba pang skills na maaaring maging alternatibong pangkabuhayan habang hindi pa maaaring mangisda sa karagatan ng Calapan.











