“𝑮𝒊𝒏𝒂𝒈𝒂𝒘𝒂 𝒏𝒂𝒎𝒊𝒏 𝒂𝒏𝒈 𝒍𝒂𝒉𝒂𝒕, 𝒌𝒖𝒏𝒈 𝒂𝒏𝒐 𝒂𝒏𝒈 𝒕𝒂𝒎𝒂, 𝒑𝒂𝒓𝒂 𝒎𝒂𝒔 𝒎𝒂𝒑𝒂𝒂𝒍𝒘𝒂𝒏 𝒂𝒏𝒈 𝒊𝒏𝒚𝒐𝒏𝒈 𝒃𝒖𝒉𝒂𝒚,” — City Mayor Marilou Flores-Morillo.

Dumalo si 𝗠𝗮𝘆𝗼𝗿 𝗠𝗮𝗿𝗶𝗹𝗼𝘂 𝗙𝗹𝗼𝗿𝗲𝘀-𝗠𝗼𝗿𝗶𝗹𝗹𝗼 sa pagtitipon ng mga 𝗦𝗲𝗻𝗶𝗼𝗿 𝗖𝗶𝘁𝗶𝘇𝗲𝗻𝘀 ng 𝗕𝗮𝗿𝗮𝗻𝗴𝗮𝘆 𝗕𝘂𝗰𝗮𝘆𝗮𝗼 nitong ika-25 ng Pebrero upang personal na mabigyang-linaw ang layunin at proseso ng ginagawang profiling ng Pamahalaang Lungsod.

Ibinahagi din niya na magkakaroon ng mga medical missions sa Lungsod ng Calapan kaya maaari silang lumapit sa Pamahalaang Lungsod upang sumailalim sa screening at matukoy pa ang mga pangangailangang pangkalusugan.