Masaya at masiglang nakiisa si 𝗖𝗶𝘁𝘆 𝗠𝗮𝘆𝗼𝗿 𝗠𝗮𝗿𝗶𝗹𝗼𝘂 𝗙𝗹𝗼𝗿𝗲𝘀-𝗠𝗼𝗿𝗶𝗹𝗹𝗼, at ang mga miyembro ng kanyang pamilya sa isinagawang “Feeding Program” bilang bahagi ng pagdiriwang sa kanyang kaarawan, kasama ang mga batang nagmula sa 7 na Barangay sa Lungsod ng Calapan, na ginanap sa Barangay Malamig, Covered Court, nitong araw ng Sabado, ika-1 ng Abril.
Ayon sa ibinigay na impormasyon, nasa kabuoang bilang na 𝟱𝟱𝟬 na mga bata ang rehistrado bilang benepisyaryo sa aktibidad na ito na mula sa 𝗕𝗿𝗴𝘆. 𝗕𝗮𝗹𝗶𝗻𝗴𝗮𝘆𝗮𝗻, 𝗕𝗿𝗴𝘆. 𝗖𝗮𝗻𝘂𝗯𝗶𝗻𝗴 𝗜, 𝗕𝗿𝗴𝘆. 𝗖𝗮𝗻𝘂𝗯𝗶𝗻𝗴 𝗜𝗜, 𝗕𝗿𝗴𝘆. 𝗠𝗮𝗹𝗮𝗺𝗶𝗴, 𝗕𝗿𝗴𝘆. 𝗣𝗮𝘁𝗮𝘀, 𝗕𝗿𝗴𝘆. 𝗣𝗲𝗿𝘀𝗼𝗻𝗮𝘀, at 𝗕𝗿𝗴𝘆. 𝗦𝘁𝗮. 𝗥𝗶𝘁𝗮.
Kaagapay ang kanilang mga magulang, ang mga bata ay bibong bibong nagpakitang gilas sa paghataw, at pag-indak, kasama ang butihing Ina ng Lungsod, kung saan ay nagkaroon din dito ng iba’t ibang mga palaro at palabas, katulad ng 𝗠𝗰𝗗𝗼𝗻𝗮𝗹𝗱’𝘀 Show, Magic Show, at Puppet Show.
Kaugnay nito, nagkaroon din ng “Feeding Program” para sa kanila, kung saan ay binusog sila sa handog na Sotanghon soup, mayroon ding McDonald’s Meal, Popcorn, Ice Cream, at Cotton candy.
Gayundin, naging bahagi rin ng masayang pagdiriwang na ito sina 𝗩𝗶𝗰𝗲 𝗠𝗮𝘆𝗼𝗿 𝗥𝗼𝗺𝗺𝗲𝗹 “𝗕𝗶𝗺” 𝗔. 𝗜𝗴𝗻𝗮𝗰𝗶𝗼, at 𝗖𝗶𝘁𝘆 𝗖𝗼𝘂𝗻𝗰𝗶𝗹𝗼𝗿 𝗔𝘁𝘁𝘆. 𝗥𝗶𝗰𝗸𝗮 𝗠𝗮𝗿𝗶𝗲 𝗣. 𝗚𝗼𝗰𝗼, kasama ang mga Department Head ng City Government of Calapan na sina 𝗖𝗶𝘁𝘆 𝗔𝗴𝗿𝗶𝗰𝘂𝗹𝘁𝘂𝗿𝗶𝘀𝘁 𝗠𝘀. 𝗟𝗼𝗿𝗲𝗹𝗲𝗶𝗻 𝗩. 𝗦𝗲𝘃𝗶𝗹𝗹𝗮, 𝗖𝗶𝘁𝘆 𝗘𝗱𝘂𝗰𝗮𝘁𝗶𝗼𝗻 𝗢𝗳𝗳𝗶𝗰𝗲𝗿, 𝗠𝘀. 𝗠𝘆𝗿𝗶𝗮𝗺 𝗟𝗼𝗿𝗿𝗮𝗶𝗻𝗲 𝗗. 𝗢𝗹𝗮𝗹𝗶𝗮, 𝗖𝗶𝘁𝘆 𝗕𝘂𝗱𝗴𝗲𝘁 𝗢𝗳𝗳𝗶𝗰𝗲𝗿 𝗠𝘀. 𝗟𝗼𝗿𝗶𝗲𝘁𝗮 𝗔. 𝗚𝗮𝗹𝗶𝗰𝗶𝗮, 𝗖𝗶𝘁𝘆 𝗛𝗲𝗮𝗹𝘁𝗵 𝗢𝗳𝗳𝗶𝗰𝗲𝗿 𝗗𝗿𝗮. 𝗕𝗮𝘀𝗶𝗹𝗶𝘀𝗮 𝗠. 𝗟𝗹𝗮𝗻𝘁𝗼, 𝗖𝗶𝘁𝘆 𝗦𝗼𝗰𝗶𝗮𝗹 𝗪𝗲𝗹𝗳𝗮𝗿𝗲 𝗮𝗻𝗱 𝗗𝗲𝘃𝗲𝗹𝗼𝗽𝗺𝗲𝗻𝘁 𝗢𝗳𝗳𝗶𝗰𝗲𝗿 𝗠𝘀. 𝗝𝘂𝘃𝘆 𝗟. 𝗕𝗮𝗵𝗶𝗮, 𝗥𝗦𝗪, at 𝗖𝗶𝘁𝘆 𝗖𝗼𝗹𝗹𝗲𝗴𝗲 𝗔𝗱𝗺𝗶𝗻𝗶𝘀𝘁𝗿𝗮𝘁𝗼𝗿 𝗗𝗿. 𝗥𝗼𝗻𝗮𝗹𝗱 𝗙. 𝗖𝗮𝗻𝘁𝗼𝘀.
Naging posible at matagumpay ang makabuluhang aktibidad na ito sa pangunguna ng Pamahalaang Lungsod ng Calapan, sa ilalim ng pamumuno ni Mayor Marilou Flores-Morillo, sa pamamagitan ng mga masisigasig na kawani na mula sa Office of the City Mayor, 𝗖𝗼𝗺𝗺𝘂𝗻𝗶𝘁𝘆 𝗔𝗳𝗳𝗮𝗶𝗿𝘀 𝗢𝗳𝗳𝗶𝗰𝗲 na pinamumunuan ni 𝗠𝗿. 𝗔𝘃𝗲𝗹𝗶𝗻𝗼 𝗣. 𝗧𝗲𝗷𝗮𝗱𝗮, 𝗛𝗲𝗮𝗱 𝗼𝗳 𝗖𝗔𝗢, at 𝗦𝗲𝗿𝗯𝗶𝘀𝘆𝗼𝗻𝗴 𝗧𝗮𝗠𝗮 𝗖𝗲𝗻𝘁𝗲𝗿 na pinamumunuan ni 𝗦𝗧𝗖 𝗣𝗿𝗼𝗴𝗿𝗮𝗺 𝗔𝗱𝗺𝗶𝗻𝗶𝘀𝘁𝗿𝗮𝘁𝗼𝗿 𝗠𝗿. 𝗣𝗲𝘁𝗲𝗿 𝗝𝗼𝘀𝗲𝗽𝗵 𝗩. 𝗗𝘆𝘁𝗶𝗼𝗰𝗼, katuwang ang mga Barangay Officials.

































