Sa araw na ito, ika-28 ng Nobyembre, ay pinagdiriwang ang First Year Anniversary ng Samahan ng Kalapenyong Mangingisda (SAKAG) na siya namang dinaluhan ni City Mayor Marilou Flores-Morillo sa Barangay Wawa, Calapan City.

“Kung noon ay laging nahuhuli ang mga mangingisda, ngayon ay hindi na iyan mangyayari,” iyan ang mga binitawang salita ni City Mayor Malou Morillo.

Idiniin din niya na ginagawa ng Pamahalaang Lungsod ang lahat sa tulong ng Fisheries Management Office at ng iba pang government at non-government agencies upang mapaalwan ang kanilang pamumuhay.

Bilang bahagi ng kanilang pagdiriwang ay inilunsad ng SAKAG sa tulong ng Pamahalaang Lungsod at ng Fisheries Management Office ang Bangkarera 2022 na sinalihan naman ng ilang mangingisda at bangkero mula sa iba’t ibang barangay.

Naroon din upang makisaya at magbigay ng suporta ang PNP Maritime Group, Coast Guard, FMO, at Community Affairs Office.

Matatandaang, sa pangunguna ni Mayor Malou ay nabuo ang SAKAG na naglalayong matugunan ang mga hinaing at pangangailangan ng mga mangingisdang CalapeƱo.