Pinangunahan ni Mayor Marilou Flores-Morillo at Vice Mayor Bim Ignacio kasama ang mga opisyal ng Globe ang paglulunsad ng kauna-unahang EasyHub sa Xentro Mall Calapan, ika-16 ng Disyembre.
Ayon sa Ina at Ama ng Lungsod, matagal na silang Globe users kaya naman napakasaya nila na mapapadali na ang transakyon sa pamamagitan na nga ng Globe EasyHub.
Dagdag pa nito, lubos nilang ikinagalak na unti-unti ay may pagbabago sa Calapan at nagiging high-tech na talaga dahil sa mga kompanya tulad ng Globe.
Layunin ng Globe na maibigay ang mga serbisyo ng mas madali kung kaya’t sa EasyHub, hindi na kailangang mag-intay ng matagal.
Ito ay bukas 24/7 at maaaring magbayad ng bills. mag-apply ng plan, at mag-cash in sa GCash.
Mayroon din silang tatlong tao na itatalaga para tumulong at sumagot sa mga katanungan (Thea Marie J. Villadolid/CIO).











