Nakisaya si 𝗖𝗶𝘁𝘆 𝗠𝗮𝘆𝗼𝗿 𝗠𝗮𝗿𝗶𝗹𝗼𝘂 𝗙𝗹𝗼𝗿𝗲𝘀-𝗠𝗼𝗿𝗶𝗹𝗹𝗼 at ang kaniyang mister na si 𝗠𝗿. 𝗘𝗽𝗵𝗿𝗮𝗶𝗺 𝗠𝗼𝗿𝗶𝗹𝗹𝗼 sa pagdiriwang ng ika-55 Kaarawan ng 𝗕𝗮𝗰𝗼 𝗠𝘂𝗻𝗶𝗰𝗶𝗽𝗮𝗹 𝗠𝗮𝘆𝗼𝗿 na ginanap sa Delrol Building, Catuwiran II, Baco, ika-16 ng Mayo.
Tampok sa kaaarawan ni Mayor Allan “AR” Roldan ang Piyestang Pinoy na tema mula sa mga dekorasyon, kasuotan, pagkain, at mga pampasiglang bilang na handog ng grupo ng mga Senior Citizens, kabataan, at kaguruan ng Baco.
Naroon din ang iba pang mga Municipal Mayor ng lalawigan ng Mindoro sa pangunguna ni 𝗢𝗿𝗶𝗲𝗻𝘁𝗮𝗹 𝗠𝗶𝗻𝗱𝗼𝗿𝗼 𝗠𝗮𝘆𝗼𝗿’𝘀 𝗟𝗲𝗮𝗴𝘂𝗲 𝗣𝗿𝗲𝘀𝗶𝗱𝗲𝗻𝘁 at 𝗕𝗼𝗻𝗴𝗮𝗯𝗼𝗻𝗴 𝗠𝘂𝗻𝗶𝗰𝗶𝗽𝗮𝗹 𝗠𝗮𝘆𝗼𝗿 𝗘𝗹𝗲𝗴𝗶𝗼 “𝗘𝗹𝗴𝗶𝗻” 𝗠𝗮𝗹𝗮𝗹𝘂𝗮𝗻.












