Matapos maihalal kamakailan ang new set of officers ng 𝗠𝗮𝗻𝗴𝘆𝗮𝗻 𝗕𝗮𝗻𝗸𝗲𝗿𝘀 𝗖𝗹𝘂𝗯 na binubuo ng mga miyembro nito mula sa 24 na mga banko na kung saan ay 22 dito ay nakabase sa Calapan City.

Noong Pebrero 15, 2023, sa Balai Mindoro Convention Center, Barangay Sta. Isabel, Calapan City ay matagumpay na naisakatuparan ang panunumpa ng mga bagong halal na opisyales ng nasabing organisasyon para sa taong 2023.

Si 𝗖𝗶𝘁𝘆 𝗠𝗮𝘆𝗼𝗿 𝗠𝗼𝗿𝗶𝗹𝗹𝗼, bilang isang datihang empleyada ng banko at nananatiling malapit sa mga managers at kawani ng mga banko sa lungsod ay naimbitihan bilang guest speaker sa nasabing okasyon.

Dito ay kanyang ipinahayag ang mataas na pagkilala sa mga bankero at bankera na aniya’y minsan niyang kinabibilangan. Pasasalamat para sa nakalipas na pamunuan at panibagong pag-asa sa bagong lupon ng organisasyon ang naging laman ng kanyang mensahe.

Sinabi naman ni 𝗕𝗮𝗻𝗸 𝗼𝗳 𝗠𝗮𝗸𝗮𝘁𝗶 𝗠𝗮𝗻𝗮𝗴𝗲𝗿/𝗢𝘂𝘁𝗴𝗼𝗶𝗻𝗴 𝗠𝗕𝗖 𝗣𝗿𝗲𝘀𝗶𝗱𝗲𝗻𝘁 𝗠𝗿. 𝗗𝗮𝗿𝘄𝗶𝗻 𝗭𝗮𝗺𝗼𝗿𝗮 sa kanyang panimula na ang mga matatagumpay na programa ng MBC ay nangyari dahil sa tulong ng lahat ng iba pang opisyales at pakikiisa ng lahat ng miyembro. Kanya ring kinilala ang suporta ng Pamahalaang Lungsod sa pamumuno ni Mayor Malou na nagbigay sa kanila ng pagkakataon upang maging kabahagi ng mga programa at aktibidad na ipinapatupad.

Kasunod nito ay ang pagkakaloob ng ‘𝑪𝒆𝒓𝒕𝒊𝒇𝒊𝒄𝒂𝒕𝒆 𝒐𝒇 𝑨𝒑𝒑𝒓𝒆𝒄𝒊𝒂𝒕𝒊𝒐𝒏’ kay Mayor Malou tanda ng kanilang walang hanggang pasasalamat. Samantala, ginampanan din ni Mayor Malou ang pagiging Inducting Officer upang pangunahan ang panumnumpa ng mga bagong halal na opisyales.

Kabilang sa mga nanumpa ng katungkulan sa Mangyan Bankers Club ay sina:

𝗣𝗿𝗲𝘀𝗶𝗱𝗲𝗻𝘁: MAE ANN CUETO – Security Bank

𝗩𝗶𝗰𝗲 𝗣𝗿𝗲𝘀𝗶𝗱𝗲𝗻𝘁: LILIBETH ANDAYA -Rural Bank of Baco

𝗦𝗲𝗰𝗿𝗲𝘁𝗮𝗿𝘆: LENY ZAMORA – Banco Alabang Inc.

𝗧𝗿𝗲𝗮𝘀𝘂𝗿𝗲𝗿: MARILOU ADOYO – Bank of Commerce

𝗔𝘂𝗱𝗶𝘁𝗼𝗿: RIO CATLY – East West Bank

𝗣𝗥𝗢: MEGAN MARIE KYLE MACAGUIWA – Landbank of the Philippines San Vicente

𝗦𝗽𝗼𝗿𝘁𝘀 𝗖𝗼𝗺𝗺𝗶𝘁𝘁𝗲𝗲 𝗖𝗵𝗮𝗶𝗿𝗽𝗲𝗿𝘀𝗼𝗻: FERDINAND ABAS

𝗠𝗲𝗺𝗯𝗲𝗿𝘀: JAYSON GUTIERREZ / ARNOLD ESPIRITU

𝗠𝗲𝗺𝗯𝗲𝗿𝘀𝗵𝗶𝗽 𝗖𝗼𝗺𝗺𝗶𝘁𝘁𝗲𝗲

𝗖𝗵𝗮𝗶𝗿𝗽𝗲𝗿𝘀𝗼𝗻: JOSEPH GOROSPE

𝗠𝗲𝗺𝗯𝗲𝗿𝘀: AURELIO CAMBAYA / MYLENE MENDOZA

𝗠𝗮𝗿𝗸𝗲𝘁𝗶𝗻𝗴 𝗖𝗼𝗺𝗺𝗶𝘁𝘁𝗲𝗲

𝗖𝗵𝗮𝗶𝗿𝗽𝗲𝗿𝘀𝗼𝗻: LOIDA ABAS

𝗠𝗲𝗺𝗯𝗲𝗿𝘀: KAIZER ALVAREZ / FATIMA LAGARTEJA

Ipinangako naman ni 𝗜𝗻𝗰𝗼𝗺𝗶𝗻𝗴 𝗣𝗿𝗲𝘀𝗶𝗱𝗲𝗻𝘁 𝗠𝗮𝗲 𝗔𝗻𝗻 𝗖𝘂𝗲𝘁𝗼 na kanyang ipagpapatuloy ang mga sinimulang adhikain ng Mangyan Bankers Club kaakibat ng kahilingan ng buong suporta mula sa kanyang mga kasamahan.