“𝑩𝒖𝒐 𝒂𝒏𝒈 𝒂𝒎𝒊𝒏𝒈 𝒕𝒊𝒘𝒂𝒍𝒂 𝒔𝒂 𝒂𝒕𝒊𝒏𝒈 𝑺𝒄𝒉𝒐𝒐𝒍𝒔 𝑫𝒊𝒗𝒊𝒔𝒊𝒐𝒏 𝒐𝒇 𝑪𝒂𝒍𝒂𝒑𝒂𝒏 𝒔𝒂 𝒊𝒏𝒚𝒐𝒏𝒈 𝒎𝒈𝒂 𝒍𝒂𝒚𝒖𝒏𝒊𝒏 𝒂𝒕 𝒑𝒍𝒂𝒏𝒐, 𝒕𝒖𝒏𝒈𝒐 𝒔𝒂 𝒑𝒂𝒈𝒉𝒂𝒉𝒂𝒕𝒊𝒅 𝒏𝒈 𝒅𝒆𝒌𝒂𝒍𝒊𝒅𝒂𝒅 𝒏𝒈 𝒆𝒅𝒖𝒌𝒂𝒔𝒚𝒐𝒏, 𝒂𝒕 𝒎𝒂𝒖𝒏𝒍𝒂𝒅 𝒏𝒂 𝒃𝒖𝒌𝒂𝒔 𝒑𝒂𝒓𝒂 𝒔𝒂 𝒎𝒈𝒂 𝒌𝒂𝒃𝒂𝒕𝒂𝒂𝒏𝒈 𝑪𝒂𝒍𝒂𝒑𝒆𝒏̃𝒐.” — Mayor Marilou Flores-Morillo

Dumalo si 𝗖𝗶𝘁𝘆 𝗠𝗮𝘆𝗼𝗿 𝗠𝗮𝗿𝗶𝗹𝗼𝘂 𝗙𝗹𝗼𝗿𝗲𝘀-𝗠𝗼𝗿𝗶𝗹𝗹𝗼 sa 𝗠𝗮𝗻𝗮𝗴𝗲𝗺𝗲𝗻𝘁 𝗖𝗼𝗺𝗺𝗶𝘁𝘁𝗲𝗲 𝗠𝗲𝗲𝘁𝗶𝗻𝗴 𝟮𝟬𝟮𝟯, na ginanap sa Governor Alfonso Umali, Sr. Gymnasium, Oriental Mindoro National High School, nitong ika-14 ng Marso.

Naging bahagi programang ito ang kasalukuyang 𝗢𝗜𝗖-𝗢𝗳𝗳𝗶𝗰𝗲 𝗼𝗳 𝘁𝗵𝗲 𝗦𝗰𝗵𝗼𝗼𝗹𝘀 𝗗𝗶𝘃𝗶𝘀𝗶𝗼𝗻 𝗦𝘂𝗽𝗲𝗿𝗶𝗻𝘁𝗲𝗻𝗱𝗲𝗻𝘁 na si 𝗠𝘀. 𝗟𝗮𝗶𝗱𝗮 𝗠. 𝗟𝗮𝗴𝗮𝗿-𝗠𝗮𝘀𝗰𝗮𝗿𝗲𝗻̃𝗮𝘀, 𝗖𝗘𝗦𝗘, kabilang rin dito sina 𝗔𝗦𝗗𝗦, 𝗠𝘀. 𝗖𝘆𝗻𝘁𝗵𝗶𝗮 𝗘𝗹𝗲𝗼𝗻𝗼𝗿 𝗚. 𝗠𝗮𝗻𝗮𝗹𝗼, 𝗦𝗚𝗢𝗗 𝗖𝗵𝗶𝗲𝗳 𝗠𝘀. 𝗡𝗮𝗻𝗲𝘁𝘁𝗲 𝗠𝗮𝗰𝗮𝗴𝘂𝗶𝘄𝗮, 𝗖𝗜𝗗 𝗖𝗵𝗶𝗲𝗳 𝗠𝘀. 𝗙𝗹𝗼𝗿𝗶𝗻𝗮 𝗟. 𝗠𝗮𝗱𝗿𝗶𝗱, at ang mga bumubuo sa 𝗦𝗰𝗵𝗼𝗼𝗹𝘀 𝗗𝗶𝘃𝗶𝘀𝗶𝗼𝗻 𝗼𝗳 𝗖𝗮𝗹𝗮𝗽𝗮𝗻 𝗠𝗮𝗻𝗮𝗴𝗲𝗺𝗲𝗻𝘁 𝗖𝗼𝗺𝗺𝗶𝘁𝘁𝗲𝗲, sa mga masisigasig na guro, at Punong Guro ng Lungsod ng Calapan.

Ayon kay Mayor Morillo, tunay na maipagmamalaki ang mga mag-aaral sa kasalukuyan, dahil sa kanilang hindi matatawarang galing sa pag-aaral, at ito ay dahil na rin sa gabay at tulong ng mga huwarang guro at Punong Guro na nagsilbing pangalawang magulang nila.

Dagdag pa rito, sinabi rin niya na sa ilalim ng 𝗔𝗱𝗺𝗶𝗻𝗶𝘀𝘁𝗿𝗮𝘀𝘆𝗼𝗻𝗴 𝗧𝗔𝘂𝗺𝗯𝗮𝘆𝗮𝗻 𝗮𝗻𝗴 𝗠𝗔𝘀𝘂𝘀𝘂𝗻𝗼𝗱, layunin at hangad niyang mas masuportahan pa ang pag-aaral ng mga estudyante, at mabigyan pa sila ng oportunidad para mas maipamalas pa ang kanilang galing at husay sa iba’t ibang larangan.