Walang kapaguran ang Expanded Health Program Team sa paghahatid ng maayos at kinakailangang serbisyong pangkalusugan para sa taumbayan.
Ika-16 ng Enero, sa Barangay Pachoca naman muling naghatid ng serbisyong medikal ang Pamahalaang Lungsod sa pangunguna ni Calapan City Mayor Malou Flores-Morillo.
Ilan lamang sa ipinagpasalamat ng mga residente ng nabanggit na barangay ay ang kanilang natamong libreng Anti-Pneumonia & Flu Vaccine, HPV Vaccine, Dental Health Services, Health Card services (membership & renewal), eyeglasses referral, libreng konsultasyon at gamot, maintenance medicine at madami pang iba.