Handog ng Pamahalaang Lungsod para sa 𝗕𝗮𝗿𝗮𝗻𝗴𝗮𝘆 𝗚𝘂𝘁𝗮𝗱 𝗦𝗲𝘄𝗰𝗶𝗲𝘁𝘆 ang Skills Training on Garment Production na bahagi ng 𝗠𝗮𝘅𝗶𝗺𝘂𝗺 𝗔𝗰𝗰𝗲𝘀𝘀 𝘁𝗼 𝗟𝗶𝘃𝗲𝗹𝗶𝗵𝗼𝗼𝗱 𝗢𝗽𝗽𝗼𝗿𝘁𝘂𝗻𝗶𝘁𝗶𝗲𝘀 𝗳𝗼𝗿 𝘁𝗵𝗲 𝗨𝗻𝗽𝗿𝗶𝘃𝗶𝗹𝗲𝗴𝗲𝗱 o 𝗠𝗔𝗟𝗢𝗨 𝗣𝗿𝗼𝗴𝗿𝗮𝗺 at ginanap sa kanilang Barangay Hall, mula ika-28 ng Pebrero hanggang ika-2 ng Marso.
Ito ay pinangunahan ni 𝗖𝗶𝘁𝘆 𝗠𝗮𝘆𝗼𝗿 𝗠𝗮𝗿𝗶𝗹𝗼𝘂 𝗙𝗹𝗼𝗿𝗲𝘀-𝗠𝗼𝗿𝗶𝗹𝗹𝗼 sa pamamagitan ng 𝗖𝗶𝘁𝘆 𝗧𝗿𝗮𝗱𝗲 𝗮𝗻𝗱 𝗜𝗻𝗱𝘂𝘀𝘁𝗿𝘆 𝗗𝗲𝗽𝗮𝗿𝘁𝗺𝗲𝗻𝘁, na pinamumunuan ni 𝗘𝗻𝗣. 𝗔𝗺𝗼𝗿𝗺𝗶𝗼 𝗖𝗝𝗦 𝗕𝗲𝗻𝘁𝗲𝗿, at pinamahalaan naman ni 𝗠𝗿. 𝗡𝗶𝗻̃𝗼 𝗔𝗻𝗴𝗲𝗸𝗼 𝗔𝗴𝘂𝘁𝗮𝘆𝗮, 𝗜𝗻𝗱𝘂𝘀𝘁𝗿𝘆 𝗗𝗲𝘃𝗲𝗹𝗼𝗽𝗺𝗲𝗻𝘁 𝗗𝗶𝘃𝗶𝘀𝗶𝗼𝗻 (𝗟𝗶𝘃𝗲𝗹𝗶𝗵𝗼𝗼𝗱) 𝗛𝗲𝗮𝗱, at sa pakikipagtulungan ng 𝗖𝗶𝘁𝘆 𝗣𝘂𝗯𝗹𝗶𝗰 𝗘𝗺𝗽𝗹𝗼𝘆𝗺𝗲𝗻𝘁 𝗦𝗲𝗿𝘃𝗶𝗰𝗲𝘀 𝗢𝗳𝗳𝗶𝗰𝗲 na nasa ilalim ni 𝗗𝗿. 𝗘𝗱𝗲𝗿 𝗔𝗽𝗼𝗹𝗶𝗻𝗮𝗿 𝗥𝗲𝗱𝘂𝗯𝗹𝗼.
Layunin ng Pamahalaang Lungsod at ng CTID na muling buhayin ang kabuhayan ng samahang ito at maisulong na rin ang pagiging Luntiang Lungsod ng Calapan.
Matagal nang naitatag ang Brgy. Gutad Sewciety ngunit napilitan silang itigil ang kanilang produksyon nang magkaroon ng pandemya.
Kaya naman sa pamamagitan ng pagbibigay ng refresher course mula sa mga certified trainers ng 𝗗𝗧𝗜 𝗞𝗮𝗽𝗮𝘁𝗶𝗱 𝗠𝗲𝗻𝘁𝗼𝗿 𝗠𝗲 𝗣𝗿𝗼𝗴𝗿𝗮𝗺, ay muling sinimulan ang kanilang produksiyon ng bed sheet, pillow case, eco-bags, tote bags, kurtina, terno pajamas, at shorts na itatampok din sa mga trading event ng Pamahalaang Lungsod.




