Kasabay ng pagsisimula ng 𝗞𝗮𝗹𝗮𝗽 𝗙𝗲𝘀𝘁𝗶𝘃𝗮𝗹, sinimulan na rin ang programa ng Pamahalaang Lungsod na 𝗠𝗮𝘅𝗶𝗺𝘂𝗺 𝗔𝗰𝗰𝗲𝘀𝘀 𝘁𝗼 𝗟𝗶𝘃𝗲𝗹𝗶𝗵𝗼𝗼𝗱 𝗢𝗽𝗽𝗼𝗿𝘁𝘂𝗻𝗶𝘁𝗶𝗲𝘀 𝗳𝗼𝗿 𝘁𝗵𝗲 𝗨𝗻𝗽𝗿𝗶𝘃𝗶𝗹𝗲𝗴𝗲𝗱 o 𝗠𝗔𝗟𝗢𝗨 𝗣𝗿𝗼𝗴𝗿𝗮𝗺: 𝗦𝗸𝗶𝗹𝗹𝘀 𝗧𝗿𝗮𝗶𝗻𝗶𝗻𝗴 𝗼𝗻 𝗕𝗿𝗲𝗮𝗱 𝗮𝗻𝗱 𝗣𝗮𝘀𝘁𝗿𝗶𝗲𝘀 sa HRM Building, City College of Calapan nitong ika-25 ng Pebrero.
Napiling isagawa ang programa sa CCC, partikular na para sa mga mag-aaral ng 𝗔𝗹𝘁𝗲𝗿𝗻𝗮𝘁𝗶𝘃𝗲 𝗟𝗲𝗮𝗿𝗻𝗶𝗻𝗴 𝗦𝘆𝘀𝘁𝗲𝗺, dahil sa pakikipag-ugnayan ni 𝗗𝗿. 𝗥𝗼𝗻𝗮𝗹𝗱 𝗖𝗮𝗻𝘁𝗼𝘀, 𝗖𝗼𝗹𝗹𝗲𝗴𝗲 𝗔𝗱𝗺𝗶𝗻𝗶𝘀𝘁𝗿𝗮𝘁𝗼𝗿, kay 𝗖𝗶𝘁𝘆 𝗠𝗮𝘆𝗼𝗿 𝗠𝗮𝗿𝗶𝗹𝗼𝘂 𝗙𝗹𝗼𝗿𝗲𝘀-𝗠𝗼𝗿𝗶𝗹𝗹𝗼 sa pamamagitan ng 𝗖𝗶𝘁𝘆 𝗧𝗿𝗮𝗱𝗲 𝗮𝗻𝗱 𝗜𝗻𝗱𝘂𝘀𝘁𝗿𝘆 𝗗𝗲𝗽𝗮𝗿𝘁𝗺𝗲𝗻𝘁.
Ka-partner din ng Pamahalaang Lungsod ang 𝗧𝗲𝗰𝗵𝗻𝗶𝗰𝗮𝗹 𝗘𝗱𝘂𝗰𝗮𝘁𝗶𝗼𝗻 𝗮𝗻𝗱 𝗦𝗸𝗶𝗹𝗹𝘀 𝗗𝗲𝘃𝗲𝗹𝗼𝗽𝗺𝗲𝗻𝘁 𝗔𝘂𝘁𝗵𝗼𝗿𝗶𝘁𝘆 na nagpadala ng mga trainers upang ituro ang paggawa ng pandesal, pan de ube, pan de ciosa, at iba pang tinapay.
Layon din ng 𝗖𝗶𝘁𝘆 𝗖𝗼𝗹𝗹𝗲𝗴𝗲 𝗼𝗳 𝗖𝗮𝗹𝗮𝗽𝗮𝗻 na makapagtatag ng isang organisasyon o samahan ang mga mag-aaral ng ALS upang makapagsimula sila ng negosyong pangkabuhayan gamit ang kanilang mga natutunan.






