Nagtungo sa tanggapan ni 𝗖𝗶𝘁𝘆 𝗠𝗮𝘆𝗼𝗿 𝗠𝗮𝗿𝗶𝗹𝗼𝘂 𝗙𝗹𝗼𝗿𝗲𝘀-𝗠𝗼𝗿𝗶𝗹𝗹𝗼 ang mga katutubong mag-aaral na nasa ilalim ng pangangalaga ng 𝗩𝗶𝗰𝗲𝗻𝘁𝗲 𝗮𝗻𝗱 𝗧𝗲𝗿𝗲𝘀𝗶𝘁𝗮 𝗢𝗻𝗴 𝗙𝗼𝘂𝗻𝗱𝗮𝘁𝗶𝗼𝗻 nitong Lunes, ika-20 ng Pebrero 2023.

Mainit na tinanggap ng mga kawani ng Pamahalaang Lungsod ang mga kapatid nating 𝗠𝗮𝗻𝗴𝘆𝗮𝗻 mula sa tribong 𝗧𝗮𝘂-𝗯𝘂𝗶𝗱 at 𝗕𝗮𝗻𝗴𝗼𝗻, kung saan ang kanilang naging pagbisita ay bahagi ng kanilang aktibidad na “𝑳𝒂𝒌𝒃𝒂𝒚 𝑨𝒓𝒂𝒍” kasama ang mga kasapi ng 𝗙𝗮𝘀𝗮𝗱𝗮𝗻𝗮𝗻 𝗜𝗻𝗶𝘁𝗶𝗮𝘁𝗶𝘃𝗲, ilan sa mga Community Facilitator, at ang ilan sa mga miyembro ng 𝗔𝗱𝘃𝗲𝗻𝘁𝗶𝘀𝘁 𝗜𝗻𝘀𝘁𝗶𝘁𝘂𝘁𝗲 𝗼𝗳 𝗠𝗶𝘀𝘀𝗶𝗼𝗻𝗮𝗿𝗶𝗲𝘀.

Bakas sa kanilang mga mukha ang nag-uumapaw na kaligayahan nang matanggap nila ang mga pares ng tsinelas na handog para sa kanila ng Pamahalaang Lungsod ng Calapan.

Dahil dito, taos pusong pasasalamat ang kanilang ipinaabot sa Pamahalaang Lungsod at sa ating minamahal na Ina ng Lungsod.

Nagpamalas din sila ng kanilang angking husay pagdating sa sama-samang pag-awit na talaga namang ikinamangha ng mga nakapanood dito.

Patunay ito na patuloy pa ring namumukadkad ang kanilang pinakaiingat-ingatang kayamanang sining at kultura hanggang sa kasalukuyang panahon.