Nagsimula bilang isang matatag na babaeng nagsumikap para makaahon sa buhay, kalaunan ay naging
isang huwarang ilaw ng tahanang matiyagang nagpagal, para sa kapakanan ng kanyang pinakaiingatang pamilya, hanggang sa matagpuan niya ang kanyang sarili sa larangan ng paglilingkod, para sa taumbayan.
Maligayang kaarawan, City Mayor Marilou Flores-Morillo. Isa kang tunay na huwaran, bilang isang ina at bilang isang pinunong lingkod-bayan. Ang biyayang buhay na ipinagkaloob sa’yo ng Panginoon ay minarapat mong gamitin sa makabuluhang paraan, at dahil sa iyong magagandang adhikain, ang dati ay mithiin na para sa sarili, at para sa pamilya ay naging isang mithiing para na rin sa ikabubuti ng kalagayan ng mga mamamayang iyong pinaglilingkuran ng buong kahusayan.
Ang panibagong taong ipinagkaloob sa iyo ng Diyos ay palatandaan ng patuloy na paggampan sa misyong pinaniniwalaan Niyang magagawa mong mapagtagumpayan. Nagpapasalamat kami sa lahat ng sakripisyong ibinibigay mo para sa pagkalinga sa mga itinuturing mong mga anak.
Hiling at dalangin namin na sana ay patuloy kang pagkalooban ng mahabang buhay, kalakip ang kalakasan at katatagan, nang sa gayon ay mapagtagumpayan mo kasama ang mga Calapeño ang iyong mga pangarap, para sa ikauunlad at ikaaayos ng ating minamahal na Lungsod ng Calapan.