Hindi naging hadlang para sa Pamahalaang Lungsod ang kilo-kilometrong layo ng Barangay Navotas
upang ihatid sa mga naroroong taumbayan ang Expanded Health Program.
Ika-4 ng Abril, tinungo ng Expanded Health Program Team ang Barangay Navotas upang dito naman makapaghandog ng mga libreng serbisyong pangkalusugan na kinapapalooban ng Anti-Pneumonia vaccine, dental health services, health card services (membership & renewal), eyeglasses referral, konsultasyon, pamimigay ng mga bitamina, gamot at iba pa.
Nabuo ang konsepto ng Expanded Health Program sa pagnanais ng Ina ng Lungsod, Mayor Malou Flores-Morillo na maipaabot at mahandugan ang taumbayan ng kinakailangan nilang serbisyong medikal. Bukod sa kagustuhang ibigay ang mga serbisyong ito ng libre, minarapat din ni Mayor Malou na ilapit at ibaba mismo sa mga barangay ng lungsod ang naturang programa.
Aniya “Bakit pa kayo sa Cityhall pupunta, kung pwede namang sa inyo mismong mga barangay – mga kailangan nyo’y ihatid ko na.”
Tunay namang pag-aalaga ng isang ina, kay Mayor Malou – iyong madarama!