Upang ipagdiwang ang Buwan ng mga Guro, kasiyahan at pagpupunyagi ang ipinaabot ng Malad Farmers Association sa mga mag-aaral at mga guro ng Malad Elementary School nitong ika-3 ng Oktubre.

Sa pangunguna ni G. Joel Pentinio, Pangulo ng MFA, at sa tulong ng kanilang kapitan na si Kgg. Florante B. Goda, ay pinagkalooban ng kanilang samahan ang mga mag-aaral ng school supplies at nagsagawa din sila ng feeding program.

Pinaunlakan naman ni Mayor Malou Flores – Morillo ang kanilang imbitasyon sa naturang gawain upang personal na ipaabot ang kaniyang pagbati sa samahan.

Lugod na ikinatutuwa ng Punong Alkalde na nagkakaroon ng inisyatibo ang samahan sa paglulunsad ng ganitong mga programa para sa kanikang nasasakupan.

Gayundin ay pinuri niya ang mga guro sa kanilang kagitingan sapagkat ayon sa kaniya, alam niya na mahirap ang kanilang trabaho bilang siya ay anak din ng isang guro.

Kinamusta din niya ang mga bata at pinaalala ang kahalagahan ng edukasyon at ng mga guro.

Aniya, “Ang pagtuturo ay isang noblest profession… Kung wala sila, tayo ay walang alam sa buhay dahil walang magtitiyagang magturo sa atin.”