Bilang kinatawan ni City Mayor Marilou Flores-Morillo, dinaluhan ni City Administrator, Penelope D. Belmonte ang isinagawang
orientation seminar, kaugnay sa “Magna Carta of the Poor (MCP) Local Poverty Reduction Action Plan (LPRAP)” ginanap sa Tamaraw Hall, Provincial Capitol Complex, Calapan City, nitong ika-3 ng Hulyo.
Sinasabing sa ilalim ng Republic Act No. 11291, or the Magna Carta of the Poor, inaatasan ang pamahalaan na magtatag ng isang sistema, para sa ganap na pagtatamasa o pagsasakatuparan ng limang pangunahing karapatan ng mga mahihirap na Pilipino, kabilang dito ang Karapatan sa sapat na pagkain; Karapatan sa disenteng trabaho; Karapatan sa may katuturan at dekalidad na edukasyon; Karapatan sa sapat na pabahay; at Karapatan sa pinakamataas na maaabot na pamantayan ng kalusugan.
Ang nasabing batas ay inaprubahan ni Former President, Rodrigo Duterte noong April 12, 2019 at ang Implementing Rules and Regulation nito ay noong August 31, 2021, kung saan ito ay naglalayong maiangat ang kalidad ng pamumuhay ng mga Pilipino sa bansa.
Samantala, ang nasabing aktibidad ay dinaluhan din ng kinatawan mula sa City Government of Calapan na si CSWD Officer, Ms. Juvy L. Bahia, RSW, gayundin ng iba pang mga opisyal ng pamahalaan at iba’t ibang ahensya na kasangkot sa nasabing gawain.