16 days nalang Pasko na! Kung bagong Christmas feels at Christmas extravagance ang hanap mo – the search is over! Dahil dito sa City Government Complex sa Brgy. Guinobatan, matatagpuan mo sina Mama Kala and Baby Apan na handog ng Ina ng lungsod ng Calapan – Mayor Malou Flores Morillo at Vice Bim Ignacio sa taumbayan.

Kumukutikutitap na pasyalan with matching snow – yan ang exciting part sa Magical Christmas Treat na ito na handog ng Pamahalaang Lungsod sa mga Mindoreño.

Matapos ang dalawang taong pagkakalugmok sa lungkot dahil ng pandemya – mas maganda at mas maliwanag ang pangako ng Panginoon ngayong taon – sa pagpapailaw ni Calapan City Mayor Malou at Vice Bim sa mga Polar Bear na sina Mama Kala at Baby Apan. Sumisimbolo sa liwanag at bagong pag-asa mula sa ating Panginoon para sa mga Calapeño at sa buong lalawigan.

Napuno ang paligid ng cityhall at lahat ay excited na nag-abang sa opisyal at magical na pailaw na ito ng City Government of Calapan.

Nag ningning at kumislap naman ang mga mata at ngiti ng mga naroroon, nang pailawan na sina Mama Kala at Baby Apan, na lalong pinasigla nang pagbuhos ng tila ba snow, kasabay pa ang fireworks display.

Kanya kanyang selfie at groupie naman ang taumbayan at kani kanilang pamilya sa petMalou na magical treat ni Mayor Tita. Kinumpleto pa ang kasiyahan ito ng libreng ice cream, popcorn at cotton candy para sa mga kids, isang Christmas serenade, at masiglang pag indak ng talented at cute na cute na mga chikiting.

Walang humpay na ngiti at ningning ng mata ng mga taong nagsipagdalo – ang siyang naging patunay ng katagumpayan ng maituturing na first ever Christmas Lighting Ceremony na isinagawa ng Pamahalaang Lungsod.

“Ang diwa ng pasko dito sa atin, bawat isang mamamayan – bahagi ng pagkamit ng kasiyahan at kasaganahan ng bawat pamilya sa lungsod ng Calapan” -City Mayor Malou Flores Morillo.