Personal na ipinakita kina 𝗢𝗿𝗶𝗲𝗻𝘁𝗮𝗹 𝗠𝗶𝗻𝗱𝗼𝗿𝗼 𝗚𝗼𝘃𝗲𝗿𝗻𝗼𝗿 𝗕𝗼𝗻𝘇 𝗗𝗼𝗹𝗼𝗿, 𝗖𝗮𝗹𝗮𝗽𝗮𝗻 𝗖𝗶𝘁𝘆 𝗠𝗮𝘆𝗼𝗿 𝗠𝗮𝗹𝗼𝘂 𝗙𝗹𝗼𝗿𝗲𝘀-𝗠𝗼𝗿𝗶𝗹𝗹𝗼, at 𝗣𝗼𝗹𝗮 𝗠𝗮𝘆𝗼𝗿 𝗝𝗲𝗻𝗻𝗶𝗳𝗲𝗿 𝗖𝗿𝘂𝘇 ni 𝗜𝗻𝗰𝗶𝗱𝗲𝗻𝘁 𝗖𝗼𝗺𝗺𝗮𝗻𝗱𝗲𝗿 𝗣𝗖𝗚 𝗖𝗼𝗺𝗺𝗼𝗱𝗼𝗿𝗲 𝗚𝗲𝗿𝗼𝗻𝗶𝗺𝗼 𝗧𝘂𝘃𝗶𝗹𝗹𝗮 ang naturang Remote Operated Vehicle (ROV) mula Japan na magagamit sa oil spill cleanup efforts ng mga apektadong lugar sa lalawigan. Ang ROV ‘Hakuyo’ ay makapagsasagawa ng visual surveys sa lumubog na MT Princess Empress at makatutulong makapag-determine ng structural condition nito.

Samantala, sa huling datos (March 20) mula sa National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC) nasa 151,463 na indibidwal o 32,661 pamilya na ang apektado ng naturang oil spill, at tinatayang nasa 131 barangay ang inabot na nito sa lalawigan ng Oriental Mindoro, Palawan, at Antique.

Kaugnay pa din nito, sa huling tala ng PCG noong March 18, nakapangolekta na sila ng humigit kumulang nasa 6,803 liters ng ‘oily water mixture’ at 65 sako ng ‘oil-contaminated materials’ sa kanilang offshore response. At tinatayang 22 drums at 1,898 na sako naman ng ‘oil-contaminated materials’ ang kanilang nakolekta sa kanilang isinagawang shoreline operations.