Upang bigyang oportunidad ang mga miyembro ng 𝗟𝗼𝗰𝗮𝗹 𝗣𝗿𝗼𝗷𝗲𝗰𝘁 𝗠𝗼𝗻𝗶𝘁𝗼𝗿𝗶𝗻𝗴 𝗖𝗼𝗺𝗺𝗶𝘁𝘁𝗲𝗲 lalo na ang None-Engineers na matuto at mas maintindihan ang mga proseso at daloy ng mga pagawaing proyektong ipinatutupad ng iba’t ibang ahensya, sa pangangasiwa ng 𝗖𝗶𝘁𝘆 𝗣𝗹𝗮𝗻𝗻𝗶𝗻𝗴 𝗗𝗲𝗽𝗮𝗿𝘁𝗺𝗲𝗻𝘁 na pinamumunuan ni 𝗘𝗻𝗽. 𝗝𝗼𝘀𝗲𝗹𝗶𝘁𝗼 “𝗝𝗼𝗲𝘆” 𝗕𝗮𝘂𝘁𝗶𝘀𝘁𝗮 ay isinagawa ang Local Project Monitoring Committee Training: Engineering for Non-Engineers (Roads and Building Construction), Main Conference Hall, Executive Building, New City Hall Complex, Marso 2-3, 2023.
Dinaluhan ito ng mga miyembro ng City Project Monitoring Committee sa pangunguna ng Chairperson nito na si Enp. Joey Bautista at ilan pa mula sa Civil Society Organizations sa lungsod.
Ang CPMC ay may mandato na magsagawa ng monitoring and evaluation sa mga implimentasyon ng mga proyektong ipinatutupad ng City Government at iba pang implimenting agencies.
Sa nasabing aktibidad ay naging katuwang dito ng Calapan City Planning Department ang mga opisyales at eksperto mula sa 𝗡𝗮𝘁𝗶𝗼𝗻𝗮𝗹 𝗘𝗰𝗼𝗻𝗼𝗺𝗶𝗰 𝗗𝗲𝘃𝗲𝗹𝗼𝗽𝗺𝗲𝗻𝘁 𝗔𝘂𝘁𝗵𝗼𝗿𝗶𝘁𝘆 (𝗡𝗘𝗗𝗔) na silang tumalakay sa mga sumusunod na paksa:
𝗘𝗻𝗴𝗿. 𝗔𝗺𝗮𝗹𝗶𝗮 𝗦𝗮𝗻𝘁𝗶𝗮𝗴𝗼, Supervising Economic Development Specialist
• MONITORING, PLANNING, AND IMPLIMENTATION, SCOPE AND COVERAGE OF MONITORING & EVALUATION
• M & E PLANNING WORKSHOP
𝗠𝗿. 𝗥𝗼𝘆 𝗗𝗶𝗺𝗮𝘆𝘂𝗴𝗮, Chief Economic Development Specialist
• ORGANIZATION & FUNCTIONALITY OF LPMC’s GENDER MAINSTREAMING IN PIMME
𝗘𝗻𝗴𝗿. 𝗝𝗼𝗷𝗼 𝗗𝗮𝘁𝗶𝗻𝗴𝗴𝘂𝗶𝗻𝗼𝗼, Senior Economic Development Specialist
• COMMON CHECKLIST FOR MONITORING INFRASTRUCTURE PROJECTS
• CONSTRUCTION MATERIALS
• CLASSIFICATION OF ROADS & COMMON DEFFECTS/ DEFICIENCIES ON ROADS
𝗘𝗻𝗴𝗿. 𝗙𝗿𝗮𝗻𝗰𝗶𝘀 𝗕𝗮𝘆𝗮𝗻𝗶 𝗱𝗲 𝗚𝘂𝘇𝗺𝗮𝗻, Senior Economic Development Specialist
• GEOTAGGING & USE OF DRONE/AUV IN PROJECT AND LAND USE MONITORING
• RELEVANT LAWS & APPLICABLE CODES
• TYPES OF BUILDINGS & ERRONEOUS PRACTICES IN BUILDING CONSTRUCTION
PROCESSING & PRESENTATION OF FIELD OBSERVATIONS
• COMMON EQUIPMENT USED IN CONSTRUCTION
Upang sukatin ang antas ng kaalaman ay sumalang ang mga partisipante sa practicum at post-test ukol sa mga tinalakay na paksa. Sa pagbisita ni 𝗖𝗶𝘁𝘆 𝗠𝗮𝘆𝗼𝗿 𝗠𝗮𝗹𝗼𝘂 𝗙𝗹𝗼𝗿𝗲𝘀-𝗠𝗼𝗿𝗶𝗹𝗹𝗼 sa huling araw ng gawain ay kanyang pinasalamatan ang pamunuan ng NEDA sa pagbabahahagi ng kanilang kasanayan sa mga kawani ng Pamahalaang Lungsod upang maging ganap na epektibo sa kanilang tungkulin na tiyaking maayos na naipapatupad ang mga pagawaing proyekto sa lungsod.































